By MELL T. NAVARRO
TUMATANGGAP na ng entries ang Sinag Maynila Film Festival 2018 (Sine Lokal, Pang-Internasyonal), kunsaan si Mr. Wilson Tieng ang CEO and Founder at ang world-renowned and internationally acclaimed filmmaker na si Brillante Mendoza ang festival director.
Now on its fourth year, SMFF is now accepting finished full-length feature films, short films, and documentary films.
Ang mga mapipiling official finalists ay may cash incentives na matatanggap mula sa organizers, katulad last year kung kailan sinimulan ang pagtanggap ng finished materials.
Ito ay mga dekalidad na independent films, pero nahihirapan ang producers na maghanap ng playdates sa buong taon.
Ang mananalong Best Film sa Sinag Maynila 2018 ay magkakamit ng two roundtrip tickets upang dumalo sa isang international film festival sa susunod na taon.
“The festival continues to raise the bar of Philippine Cinema. More talented and creative minds are yet to be discovered and honored,” saad ni Direk Brillante, patungkol sa mga potential Filipino filmmakers.
Para sa mechanics, log on to http://sinagmaynila.com/. Ang deadline ng submission of entries ay sa Nov. 30, 2017.
Samantala, ngayong Nobyembre ay pasok naman sa Tokyo International Film Festival 2018 ang dalawang finalists ng SMFF na ginanap last March 2017.
Ang mga ito ay ang “Tu Pug Imatuy” (“The Right to Kill”) ni Direk Arbi Barbarona (in competition sa Asian Future Category) at ang “Kristo” ni Direk Howard Yambao (pasok sa Crosscut Asia Section).
Last Oct. 23 naman nag-international premiere ang “Bhoy Intsik” ni Direk Joel Lamangan sa London East Asia Film Festival.
\
Ang nasabing pelikula ang nagbigay ng unang Best Actor award sa veteran seasoned actor na si Raymond Francisco.
Sinasabing ang mapili sa Sinag Maynila ay malaking opportunity na makalahok sa international film festivals (tulad ng Tokyo, Vesoul, Busan, Toronto, at iba pa), kaya may tagline itong “Sine Lokal, Pang-Internasyonal.”