KINABOG ni Sanya Lopez ang ibang female stars na rumampa sa sneak preview para sa magaganap na 30th anniversary celebration ng isang clothing line on Nov. 18 sa SM MOA. Headturner ang “Haplos” star na ibang-iba ang kanyang aura.
Nakakapanibago dahil kung dati’y demure ang peg niya, nangibabaw ang ganda at kaseksihan ni Sanya dahil sa fierceness niya habang rumarampa.
Agaw-pansin ang malaking boobs ni Sanya na umaalog-alog habang rumarampa siya. Patunay na hindi fake o retoke.
Mapa-off cam or sa serye niyang “Haplos,” attention-getter si Sanya. Kaya naman, sobrang inggit si Lucille (Thea Tolentino). Makatakas pa kaya si Angela (Sanya) sa masamang stepsister niyang si Lucille ngayong malapit nang umepekto ang sumpa nito sa kanya?
Makatakas din kaya si Angela sa tangkang pagbenta sa kanya nina Sol (Maureen Larrazabal) at Lucille bilang sex slave? Tutok lang sa “Haplos” sa GMA Afternoon Drama.
Challenge
Desidido si Matthias Roads matutong magsalita ng Tagalog. Kahit nahihirapan siya, talagang nagpupursige siya. Aniya, challenge ‘yun sa kanya na every week ay may Tagalog word siyang inaaral para sa “Super Ma’am.”
Thankful siya kay Marian Rivera na inaalalayan siya sa mga eksena nila together. Tinuturuan din siya ng Kapuso Primetime Queen ng Tagalog words.
Enjoy naman si Marian sa kanyang role sa “Super Ma’am.” Enjoy siya sa mga ginagawang stunts. Kahit mahirap magpalit ng karakter from Minerva to “Super Ma’am,” walang atrasan, ani Marian.
Ang sipag-sipag din niyang mag-promote ng “Super Ma’am.” Kamakailan ay nasa Bacolod siya, kasama ang co-stars niyang sina Kim Domingo, Matthias Roads, Ashley Ortega at Enrico Cuenca para sa Kapuso Fans Day. Nag-join din sila sa MassKara Festival.
Then, tumuloy si Marian sa Urdaneta, Pangasinan for another Kapuso Fans Day. Kasama niya sina Kristoffer Martin, Jerald Napoles at Joyce Ching.
Donors pa more
Sana’y marami pang celebrities, lalo na ‘yung malalaki ang kinikita ay mag-donate rin para sa pagbangon ng Marawi City. Nauna nang nagbigay ng P5 million si Robin Padilla.
Nagbigay din si Piolo Pascual ng P1 million at P500,000 naman si direk Joyce Bernal. Nagbigay din si Willie Revillame ng R3 million para sa mga sundalong lumaban sa giyera at sa pamilya ng mga namatay na sundalo. Nagpa-raffle pa siya ng tatlong house and lot, courtesy ng mag-asawang Manny at Senator Cynthia Villar.