By ROBERT R. REQUINTINA
MINDANAO peace advocate and action star Robin Padilla made an emotional appeal to the public to help the government in its reconstruction and rehabilitation efforts in Marawi City.
“Hindi ko po masabi ang pinsala sa property. Pagka Pilipino ang nawasak dun. Yan na lang ang isa sa mga kultura natin na nabubuhay. Yung mga ancestral na bahay wasak na! Kung sino tayo, identity natin, nanduon. Hindi tayo naging masaya sa pagwasak ng Zamboanga… Marawi naman,” said Padilla, during the press launch of “Tindig Marawi” program held at Ilustrado Restaurant in Intramuros, Manila last Thursday.
“Ang Mindanao ay napakamalapit po sa aking puso. Kaya halos madurog ang aking damdamin, ang aking puso, ang aking kaluluwa sa digmaan sa Marawi.
“Kung ano man meron akong maliit na impluwensya, gagamitin ko po ito para mahikayat ang mga tao na tumulong sa Marawi.”
The action star said that he has donated R5 million for the psycho-social intervention of the children in Marawi and some R5 million worth of relief goods to displaced families in the area.
“Dahil po ako ay isang Pilipino. Bukod sa ako’y isang Muslim, ako’y isang Pilipino. Sa oras na ito, hindi po ito kalamidad na binigay ng kalikasan. Ito ay man-made.
“Ito po sana ay naiwasan natin kung itinindig natin ‘yung pagka-Pilipino natin. Kung isinabuhay natin ang pagka-Pilipino natin – bayanihan, tulungan, mahalan – hindi po sana nangyari ito.
“Kung nakinig lang po tayo sa mga hinaing ng mga katutubong Pilipino, na nagmammay-ari talaga ng lupang ito, at ‘yung mga sinasabi nating treaties, agreement, kung ‘yan po ay nasunod lahat, hindi po sana nangyari ang Marawi. Pero nangyari na. Tayo ay magsama-sama, at patunayan nating lahat ngayon, na tayo po ay Pilipino.”
Since the crisis broke out in Marawi, Padilla said that he only went to the province once. But he clarified that he has been going to the city on several occasions prior to the war.
“Hindi lang ako ang dapat pumunta dun kundi tayong lahat. Malayo pa lang nakikita mo na ‘yung usok. Sabi ko tutoo ba ito? Nakikita ko lang ito sa mga pelikula. Hindi ito nangyayari sa Pilipinas pero ngayon nangyayari na.
“Lahat nag se-celebrate nung namatay ‘yung mga terorista, ‘yung mga leader pero walang masyadong nagsabi kung ano gagawin natin dito. Saan natin uumpisahan?
“Mahigit 300,000 ang walang bahay. Wala sila kahit singko dahil sinabi sa kanila tatlong araw lang silang mawawala sa kanila, wala silang dala na kahit ano.
“Marami sa atin mahilig sa selfie, sa mga publicity. Kung gusto mong magpasikat, this is the time, sa papaanong paraan, tulungan natin ang Marawi. Salamin ito ng ating pagka-Pilipino.
“Sabi natin bayanihan, di ba? Tigilan po muna natin ‘yung kulay ganito ako, kulay ganon…Hindi tayo pwedeng parang sa Zamboanga. Maging misyon natin ‘yung Marawi,” said Padilla.
The Bad Boy of Philippine movies also said that he is not running for any political position with the creation of “Tindig Marawi” program.
“Masaya na po ako sa kinikita ko sa pelikula. Wala po akong planong tumakbo. Pero gusto ko pong maging katulad ni Rosa Rosal,” Padilla added.
Rosal is a former movie actress who became known for her charity work for the Philippine Red Cross.
Also joining Padilla in the rehabilitation effort for Marawi City are Lito Villanueva, managing director, FINTQ; Dr. Potre Diampuan, inter-faith peace advocate; and Bravna Suresh, managing director, Lamudi Philippines; and Amor Maclang, executive director, Geiser Maclang.