By: Jerry J. Alcayde
CALAPAN CITY, Oriental Mindoro – Tatlong kababaihan ang nasawi matapos malunod habang naliligo sa isang ilog sa Palawan, Miyerkules.
Kinilala ni Superintendent Imelda V. Tolentino, public information chief ng Police Regional Office – MIMAROPA (Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) ang mga nasawi na sina Laiza Mayo, 21; Catherine Apolinario, 13, and Catline Apolinario, 12.
Ayun kay Tolentino, nalunod ang tatlo sa isang malalim na parte ng Demachikchik River sa Sitio Demagen, Barangay Salvacion.
Dagdag pa niya, tinangkang sagipin ng mga kaanak ang mga biktima nguni’t sila’y nabigo.