By: Johnny Decena
No stakes race this weekend sa pagbabalik ng mga karera dito sa San Lazaro – ang pinakamatandang karerahan – pero lahat ng mananalo dito ay may guaranteed prize of P130,000 mula sa sponsoring MJCI.
Ang malaking katanungan lately ay ‘sino kaya ang tatanghaling’ Presidential Gold Cup winner this year.
Memory daw is like a driftwood, it bubbles up no matter how deep it has been submerged.
Unahin natin ang unang Presidential Gold Cup winner na si Sun God, sakay ni jockey Elias Ordiales, na nanalo nuong 1973.
Isunod natin ang mga two-leg “PGC” winner na sina Fair Square (1981-82), Sun Dancer (1981-82), Bulldozer at Wind Blown (2000-2001) at ang iba ay malamang na natatandaan ninyo pa… so there.
Masarap gunitain di po ba?
Now back to yesterday’s races at Metro Turf para sa mga di nakapagkarera noong Huwebes.
Ang WTA covering Races 2 to 8 ay nagbigay pa ng P5,572.20. Ang Pick-6, 1st Pick (R1-5) and Pick-5 (R4-8) at Pick-4 ay nagbigay ng P931.40, P936.80, P333.20 at P145.40, ayon sa pagkakasunod-sunod.
Nagsipanalo rito from races 1 to 8 ay ang Magnitude Eight, Rafa, Big Sky, Tanforan, Eugene Onegin, Divine Degrace, Musikera at Air Supply or combinations 6-7-2-2-7-4-4-8.
Abangan at ang susunod nating malaking event ay ang “P2-Million Ambassador, Jr. Cup” kung saan nominadong magsisitakbo ang Sakima, Hitting Spree, Messi, She’s Incredible at Atomicseventynine sa pakarera ng Saddle & Clubs Leisure Park sa Naic, Cavite.
So there…Good Luck and see you guys at Samson’s Billiard and/or at Obet dela Paz Momay’s Carinderia OTB!!!