Iginiit ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ang “Lord, Heal Our Land” na gaganpin ngayong araw sa EDSA Shrine ay hindi isang kilos pulitikal.
Ayon kay CBCP Public Affairs Committee Executive Secretary Father Jerome Secillano, isa lamang itong “prayer gathering” kung saan kahit sino ay maaring dumalo kahit na ano pa ang relihiyon o political affilation ng mga ito.
“Prayer doesn’t have to be partisan or be exclusive to a particular religion. Everyone is invited to join the EDSA event on Sunday,” ani Secillano sa isang panayam.” The gathering is not a political event. It does not aim to undermine anybody.”
Ayon pa sa CBCP official, ang aktibidad na ito ay naglalayon na udyukin ang tao na gumawa ng pagkilos na magdudulot ng paghihilom ng anumang sugat na nararanasan ng bansa bunsod ng pinaigting na laban kontra droga ng pamahalaan.
Ganito din ang mensahe ni CBCP President Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas na nagsabi na ang misa, gaganapin alas-3 ng hapon ay walang bahid-pulitika. (Leslie Ann G. Aquino)