Patay ang isang pintor matapos mahulog ito mula sa itaas ng isang building na kaniyang pinipinturahan Biyernes sa Quezon City.
Kinilala ng mga imbestigador ng Quezon City Police District ang biktima na si Jojo Salic, 47 at residente ng Parañaque City.
Ayon sa mga ka-trabaho ni Salic buhat sa BL Construction, kanilang pinipinturahan ang bubong ng Department of Education Building 1 sa loob ng Pura Kalaw Elementary School sa Barangay Milagrosa, Project 4 Biyernes ng umaga nang marinig nila si Salic na sumigaw.
Laking gulat na lamang nila nang makita si Salic na nakahandusay na sa ibaba ng building at duguan.
Agad na nagpatawag ang mga school authorities ng tulong ngunit sa huli ay idineklara na din na dead-on-the-spot si Salic dahil sa matinding head injuries at kanang paa. (Alexandria Dennise San Juan)