By Ruel J. Mendoza
Sa November 7 na ang church wedding nila Kean Cipriano at Chynna Ortaleza.
Dahil punung-abala si Chynna sa lahat ng detalye ng kasal nila, pinasilip nito ang mga personal gifts para sa mga bisita nila.
Kahit na busy si Chynna sa teleserye na Ika-6 Na Utos at sa cooking show na Idol Sa Kusina, may time pa rin ito sa pag-asikaso ng wedding souvenirs.
Naisip ni Chynna na isa sa magandang giveaways ay mga stones na may nakasulat na pangalan ng kanilang mga bisita.
“I was thinking of ways to give my guests a personal gift also with a personal touch from me and Kean so this was actually just one of the souvenirs.
“Doodling is my form of parang meditation and it’s where I can stay quiet and forget about whatever current worries that I have. I’ve always been like that as a kid,” kuwento pa ni Chynna.
Si Chynna mismo ang nagsulat ng mga names ng kanilang mga bisita sa mga bato.
Pinost pa niya ang mga ito sa kanyang Instagram account:
“Randomly Selected & Given to you by the Universe! ❤️ I hope you love what’s on the flipside,” caption pa niya.
Marami raw puwedeng paggamitan ang personalized souvenir na ito nila Mr. and Mrs. Cipriano.
“They can bring it home with them so they have a paper weight or pangpatay ng tao, ipis, things like that!” tawa pa ni Chynna.
Pagpatuloy pa niya: “’Pag ito hindi talaga nila dinala, galit galit na kami. Hirap na hirap ako diyan ha?
“Iba pa rin ‘pag nakikita ko ‘yung personal touch ko sa wedding than let’s say ipa-mass produce ko siya.
“Maganda siya of course, pero feeling ko sayang lang kasi hindi ko nagawa.
“Ito lang ‘yung panahon para makapag-DIY (Do-It-Yourself) ako for the special people in our life,” pagtapos pa ni Chynna na sinikreto pa rin ang venue ng pagpapakasalan nila ni Kean.