By: Mike U. Crismundo
BUTUAN CITY – Patay nitong Lunes ang isang mag-anak makaraang matupok ng apoy ang kanilang tinitirhan sa Purok 4, Barangay 3, San Francisco town, Agusan del Sur province.
Ayun sa report na natanggap ng North-eastern Mindanao Police Regional Office 13 (PRO 13) galing sa Bureau of Fire Protection (BFP)-San Francisco, ang sunog ay nagsimula dakong 11 ng gabi dahil sa isang napabayaang kandila.
Nakalabas pa diumano ang padre de familya na si Kim Abelita, 42, sa nagliliyab nilang bahay nguni’t ito’y nasawi matapos piliing balikan ang asawang si Lilibeth at mga anak na sina Kim Linde, 11; Kim Marivic, 7; and Kim Rianna, 3.
Nakuha ang kanilang mga labi matapos maapula ang apoy bandang 11:35 p.m.