Nag-viral ang photo ni Rocco Nacino na naka-underwear siya. First daring photo ‘yun ng Kapuso actor na aniya, pinag-isipan niya kung ipo-post niya ‘yun sa social media.
Maraming netizens ang nag-like sa ginawa ng “Haplos” star. Ani Rocco, talagang kinarir niya para maging physically fit siya . Kahit busy siya sa taping ng “Haplos” at ibang showbiz commitments, he sees to it na may oras siya para mag-work out.
Bukod sa pag-gi-gym, nag-da-diet din si Rocco,kaya na-achieve niya ang magandang porma ng katawan. Handang-handa na siyang rumampa sa gaganaping underwear fashion show ng isang clothing line on November 18 sa MOA Arena. First time ‘yun ni Rocco.
Magiging bahagi rin ng fashion show ang kapareha ni Rocco sa “Haplos” na si Sanya Lopez. First time rin ni Sanya na nangabog na noong presscon/patikim ng mga rarampang female celebrities.
Binabati nga pala namin si Sanya sa maganda niyang performance sa “Magpakailanman” kasama sina Sunshine Dizon, Diana Zubiri at Sheena Halili kung saan gumanap sila bilang magkakapatid. Kinabog din ni Sanya ang mga ito sa aktingan.
Enjoy
Hanggang kahapon sa Thailand si Alden Richards at pabalik na siya sa Pilipinas. Nag-promote siya roon ng GMA series niyang “One True Love.” Ipinalabas ‘yun sa event ng GMA Worldwide TV mula November 5 hanggang November 8.
Bukod doon, ipinalabas din ang isa pang GMA series ni Alden, ang “Carmela,” kung saan nakasama niya si Marian Rivera na bumibida ngayon sa “Super Ma’am.”
Enjoy ang Kapuso Primetime Queen sa fight scenes niya. Hindi siya nagpapa-double, maliban sa dangerous stunts tulad ng paglipad sa ere.
Pamaskong handog
Maagang namigay ng pamaskong regalo ang “Eat Bulaga” sa studio audience sa kanilang “Give Love on Christmas Day.”
Dalawa ang mapalad na nabigyan ng kanilang Christmas wish.
Isang 14-year old girl ang nag-wish na mabigyan ng rubber shoes ang kanyang ama na isang ice cream vendor. Hindi lang rubber shoes, kundi isa pang pares ng walking shoes at t-shirts ang ibinigay ng EB. Binigyan naman ni Maine Mendoza ang bagets ng Nike rubber shoes at mga damit.
‘Yung isa namang ina na ang anak ay isang OFW sa Hongkong ay humiling ng pam-puhunan sa tindahan para makauwi na ang kanyang anak. Hindi lang puhunan kundi pang-kabuhayan showcase (sari-saring paninda) ang ipinagkaloob ng EB.