AT 83 years old, wala pang balak mag-retire sa pag-aartista si Ms. Gloria Romero. She’s turning a year older on Dec. 16. Aniya, hanggang kaya pa niyang mag-memorize, patuloy siyang tatanggap ng TV at movie projects.
Matalas pa rin ang kanyang memorya at malakas pa rin si Ms. Gloria na aniya, wala siyang iniinom na gamot na pang-maintenance, kundi Vitamin C at ‘yung para sa kanyang vertigo.
Kasama si Ms. Gloria sa isang upcoming GMA primetime series. Natutuwa siya dahil reunion nila ito nina Carmina Villarroel at Marvin Agustin. Nagkatrabaho sila ni Carmina sa “Palibhasa Lalake.” Nagkasama naman sina Ms. Gloria at Marvin sa “Labs ko si Babe” with Jolina Magdangal.
Mag-ina ang roles nina Ms. Gloria at Carmina sa upcoming GMA primetime series.
Nagpahayag naman ng kalungkutan si Ms. Gloria sa pagpanaw ni Isabel Granada. Hindi raw sila nagkatrabaho at minsan lang sila nagkita sa isang showbiz event. “Gandang-ganda ako sa kanya. Kapansin-pansin ‘yung mahaba niyang eyelashes.
At saka, ang bait-bait niya,” ani Ms. Gloria.
Ike-cremate ang labi ni Isabel ngayong araw at 2 p.m. sa Arlington Funeral Homes.
Mag-re-retire na?
Recess ngayon sa congress at may Christmas break pa, kaya tinanggap ni Congressman Alfred Vargas ang offer ng GMA para sa isang upcoming primetime series.
Anang actor-politician, na-miss niya ang pag-arte sa isang regular show. Nag-guest siya sa “Encantadia,” kaya nagulat siya nang alukin siya ng regular show kung saan gaganap siya bilang asawa ni Carmina Villarroel at anak nila si Bianca Umali.
“I’m happy to be back. Grateful ako sa GMA sa pagbibigay muli ng tiwala sa akin. Nagulat ako sa role na ibinigay sa akin. Sobrang na-miss ko ang showbiz,” ani Cong. Alfred.
Aniya, minsan ay naiisip niyang mag-retire na sa politics at bumalik na lang sa showbiz. “Breather at pampabawas ng stress ang showbiz. Nare-relax ako kapag nasa set kasama ang co-actors ko, ang direktor at production staff. No joke ang public service,” ani Cong. Alfred.
Second term na niya bilang congressman. Naging councilor siya noong 2010. Hindi pa siya desidido kung tatakbo for a higher position, tulad sa pagiging senador.
“Fifty-fifty percent pa. But I’m not closing my doors,” he said.