By GLEN P. SIBONGA
HINDI na raw bago para kay Matteo Guidicelli na maakusahan at matawag na user dahil sa pagsagot niya sa mga tanong tungkol sa girlfriend niyang si Sarah Geronimo kahit pa hindi naman niya kasama sa proyekto ang Popstar Princess gaya na lang ng concert niyang “Hey Matteo” na magaganap sa Nov. 30 sa Kia Theater.
“What’s new? I’m used to it. The thing is I’m not gonna be affected because I know the truth of what I’m doing.
That’s why we’re not working with each other. Kung nagtatrabaho pa kami na magkasama kami, ‘yun pwede nilang sabihin na gamit na gamit. But we make it a point na we don’t work together,” sabi ni Matteo.
Wala naman daw magawa si Matteo kundi sagutin ang patuloy na pagtatanong ng mga press sa kanya tungkol kay Sarah.
“I’m just answering questions. Some people say, ‘He’s always talking about her.’ But I’m just answering questions, ‘di ba? It’s an exchange of conversation. I’m just being honest, being real. So, kung hindi nila matanggap, e di bahala sila sa buhay nila.”
Inspirasyon daw ni Matteo si Sarah sa lahat ng ginagawa niya kaya sana ay huwag na silang intrigahin pa. Suportado nga rin ni Sarah ang pagsabak ni Matteo sa concert scene. Ano ba ang concept ng “Hey Matteo” concert? “It’s basically a rock and roll show. It’s gonna be a fun show. It’s prioritizing original music, my new music, my new sound, it’s going to feature songs from my new album. But there will be a lot of covers siyempre kasi bago pa ‘yung album.”
Produced by Big Bang Productions, ang “Hey Matteo” ay ididirek ni Rowell Santiago with musical direction by Louie Ocampo. Guests sa concert sina Kiana Valenciano, Loonie, at Morisette Amon.