Labing-isang katao ang dinakip habang 16 naman ang inimbitahan sa presinto nang magsagawa ng anti-criminality operations ang Manila Police District (MPD) sa Tondo, Manila, Sabado ng gabi bilang bahagi ng paghahanda sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.
Kinalala ng MPD Station 1 ang ilan sa mga inaresto na sina Jimmy Reyes, 58; Jimmy Flores, 44; Joeyboy Nolla, 23; Mark Dones, 26; at Jeffrey Balares, 40, na nahuli sa akton naglalaro ng cara y cruz na ipinagbabawal sa ilalim ng Presidential Decree 1602 dakong 8 p.m. noong Sabado.
Kakasuhan din sina Reyes at Flores ng illegal possession of firearms.
Anim na katao naman ang inaresto dahil sa pag-iinuman sa kalye noong gabi ring iyon.
Ang mga dinakip ay nakilalang sina Joemar Foronda, 27; Sherwin Tria, 18; Anselmo Luarez, Jr., 18; Roben Saavedra, 22; Edwin Petallana, Jr. 21; at El Nino Tomil, 23.
Samantala, 16 na iba pa ang dinala sa police station para sumailalim sa questioning at verification. (Jaimie Rose R. Aberia)