First movie together nina Rhian Ramos at Zanjoe Marudo ang “Fallback ” na anila, noong mga first shooting days nila’y tipong nagkakahiyaan pa sila. May awkwardness dahil bukod sa first time nila magkatrabaho, magkalaban pa ang network na pinagtatrabahuhan nila.
Kalaunan, nagkapalagayan na sila ng loob at naging magaan na ang pagtatrabaho nila sa isa’t isa. Marami ang makaka-relate sa romantic-comedy movie na ito, directed by Jason Paul Laxamana na siyang nag-direk ng mga kinaaliwang pelikulang “The Third Party” at “100 Tula Para Kay Stella.”
Tampok din sa “Fallback” sina Danile Matsunaga, Ricky Davao, Marlo Mortel, Cai Cortez at Tetchie Agbayani. Produced by Cineko Films, showing ito this Wednesday sa mga sinehan nationwide.
‘Buti naman at hindi na-link sina Zanjoe at Rhian habang ginagawa nila ang “Fallback.” Hindi magiging kapani-paniwala dahil may long-time Filipino-Chinese boyfriend si Rhian named Jason Choachuy.
Sa isang interbyu sa Kapuso actress , sinabi niyang wala pa silang balak magpakasal ng kanyang BF. Ine-enjoy lang muna nila ang kanilang relasyon. She is 27 years old at gusto niyang mag-asawa kapag 35 na siya. Ang BF niya’y 30 something na.
Upcoming concert
Wala pa ring balak mag-asawa ang isa pang Kapuso star na si Aicelle Santos. Ang GMA News reporter na si Mark Zambrano ang boyfriend niya. Ani Aicelle, napag-uusapan na rin nila ni Mark ang pagpapakasal.
Kahit nasa marrying age na sila, wala pa talagang seryosong usapan. Mauunahan pa nga si Aicelle ng younger sister niya na ikakasal this November. Ani Aicelle, okey lang dahil ten years na ang relasyon ng sister niya at ng BF nito.
Besides, naniniwala si Aicelle sa kasabihang bawal magsukob sa kasal ang magkapatid. Isa raw ang mamalasin sa married life nito.
Samantala, excited si Aicelle sa gaganaping concert niya sa Music Museum on November 24. Billed “Awit na Aicelle:
Aicelle Santos in Concert,” special guests sina Gary Valenciano, Myke Solomon, Bullet Dimas at ang The Company.
Produced by Stages Sessions at GMA Artists Center.
Ani Aicelle, something new, something different ang repertoire na talagang pinag-isipan. “This is a celebration of music which inspired me through the years. Sana, magustuhan ng mga manonood ng concert ang mga kakantahin ko,” she said.