By Ruel J. Mendoza
Big challenge para sa BiGuel loveteam nila Bianca Umali at Miguel Tanfelix ang pagbibidahan nilang primetime teleserye na papalit sa malapit nang matapos na Alyas Robin Hood.
May working title pa lang ito na Santa-Santita at sa November 27 na raw ito magsisimula.
Ayon kay Bianca, next year pa raw ang alam niyang playdate ng teleserye nila ni Miguel. Pero nagdesisyon daw ang GMA management na ito ang ipalit sa magtatapos na Alyas Robin Hood ni Dingdong Dantes.
“Malaking challenge po sa amin ni Miguel kasi yung show si Sir Dingdong Dantes ang papalitan namin.
“Noong mag-story conference kami, hindi pa namin alam kung ano ‘yung show at kung kelan ito ipapalabas, pero alam po namin na primetime siya.
“Nataon na matatapos na raw ‘yung Alyas Robin Hood, kaya doon na kami nilagay sa slot na iyon.
“Siyempre po, kabado kami ni Miguel kasi kailangan ma-achieve namin ang magandang ratings.
“Sa tingin ko naman po, kakayanin namin. Kasi maganda po ang cast at kakaiba po ‘yung kuwento.”
Ikatlong primetime teleserye na raw ito ng BiGuel loveteam. Nauna rito ang Once Upon A Kiss at sumunod ang Mulawin Vs. Ravena.
Pressured din daw si Miguel dahil sa expectations ng marami sa loveteam nila ni Bianca.
Pero gagawin daw nila ang lahat para makuha nila ang magandang rating sa primetime.
“Nandoon po ang pressure sa amin ni Bianca talaga.
“But at the same time, happy kami kasi masaya ang mga fans namin dahil nagbabalik kami sa primetime ni Bianca.
“Sa tulong naman po ng mga taga-GMA at ang mga fans namin, walang imposible.
“Tulungan lang po kami at good vibes lang po parati,” pagtapos pa ni Miguel.
Kasama rin pala ang BiGuel loveteam sa pelikulang Barbi D’Wonder Beki kunsaan bida si Paolo Ballesteros.
315179 482795Truly instructive and superb structure of articles, now thats user friendly (:. 27520
13005 635873very good post, i actually enjoy this web website, keep on it 285118
136672 477879Register a domain, search for available domains, renew and transfer domains, and decide on from a wide variety of domain extensions. 828738
492308 450515Thank her so significantly! This line is move before dovetail crazy, altarpiece rather act like habitual the economizing – what entrepreneur groovy night until deal with starting a trade. 592107
919739 87529Hi, you used to write outstanding articles, but the last several posts have been kinda boring I miss your super writing. Past several posts are just just a little out of track! 512378