By MELL T. NAVARRO
BIDANG-BIDA ang senior actresses sa dalawang pelikulang kalahok sa Cinema One Originals 2017 (Year 13) na matutunghayan next week, November 13-21 sa Trinoma, Gateway, Glorietta 4 cinemas.
Kung hindi kami nagkakamali, for the very first time in her long career, ngayon lang magbibida ang beteranang aktres na si Dexter Doria, sa “Paki” (Please Care) na isang finalist ng nasabing indie filmfest.
Spanning four decades, mula noong nagsimula siya noong late 1970s, hindi na nga mabilang ang character or supporting roles na ginampanan ni Dexter sa pelikula.
Halos lahat na yata ng artista (at direktor) sa industriya ay nakatrabaho na niya – sa pelikula man o telebisyon.
Sa “Paki”, bidang-bida si Dexter, bilang senior citizen na pagkalipas ng limang dekada ng kanilang kasal ay gusto nang makipaghiwalay sa asawa (ginagampanan ni Noel Trinidad), at kung papaano siya pipigilan ng kanyang mga anak.
Mula sa panulat at direksiyon ni Giancarlo Abrahan (“Dagitab”), tampok rin sa cast sina Eula Valdes, Ricky Davao, Shamaine Buencamino, , Paolo Paraiso, Ina Feleo, atNoel Trinidad.
Isang riot na comedy at road trip movie naman ang “Si Chedeng At Si Apple” na bida rin ang veteran – and still beautiful (and smart) actresses ng bansa na sina Elizabeth Oropesa at Gloria Diaz.
Tungkol ito sa magkaiban in their 60s. Nang mamatay ang asawa, nagdesisyon si Chedeng (Diaz) na mag-“out” na sa pagiging tomboy. Ang “BFF” naman niyang si Apple (Oropesa) ay aksidenteng napugutan ng ulo ang asawang nambubugbog sa kanya.
Dahil sa pagkakaibigan, hindi nila nilubayan ang isa’t isa, nilagay ang pugot na ulo sa isang “fake” na Louis Vuitton bag at dito na nila hinanap ang ex-girlfriend ni Chedeng.
Ang “Si Chedeng At Si Apple” ay mula sa screenplay ng batambatang si Fatrick Tabada (writer ng isa pang “LOL” na comedy na “Patay Na Si Hesus”). Nakopo ni Tabada ang Best Screenplay trophy mula sa PMPC Star Awards for Movies (held last September 2017) para sa nasabing “deadpan” comedy topbilled by Jaclyn Jose.
Co-director niFatrick dito si Rae Red, writer naman ng “Birdshot” na Philippine entry sa Best Foreign Language Film category ng Oscars 2018.
Ang iba pang entries ng festival ay ang “Changing Partners” by Direk Dan Villegas (Agot Isidro, Jojit Lorenzo Sandino Martin, Anna Luna), “Nay” by Kip Oebanda (Enchong Dee, Jameson Blake, and Sylvia Sanchez), “Throwback Today” by Joseph Teoxon (Carlo Aquino, Empress Shuck, Annicka Dolonius, and Alan Paule).
Finalist rin ang “Historiographika Errata” ni Richard Somes (Joem Bascon, Alex Medina, Max Eigenmann, Jess Mendoza, and Nathalie Hart, with Kean Cipriano of Callalily, Jett Pangan of The Dawn, Basti Atardi of Wolfgang, Kevin Roy of Razorback, and Dong Abay), ganoon rin ang “Nervous Translation” by Shireen Seno (with child actress Jana Agoncillo in the lead role).
Ang iba pang venues na palabas ang Cinema One Originals 2017 ay ang UP Film Center, Cinematheque Centre Manila ng FDCP (Malate, Manila), at Cinema 76 (San Juan City).
For screening schedules, visit the festival’s Facebook fan page.