KAMAKAILAN ay pumirma ng co-production deal ang GMA Network, Inc. at ang JU Entertainment Movie and Drama, Inc.
(Philippine company ito na may Korean counterpart) para i-produce ang Filipino version ng widely acclaimed TV series na “Boys Over Flowers.”
Si Lee Min Ho ang pinaka-popular sa cast ng Korean “Boys Over Flowers.” Base ito sa Japanese manga series, “Hana Yori Dango” na tungkol sa isang spunky school girl na nakatanggap ng scholarship grant para makapasok sa isang prestigious school.
Mapupukaw niya ang interest ng apat na mayayaman, sikat at guwapong lalaki, ang F4 (short for Flower 4). Ang series ay nagkaroon ng sariling version sa Taiwan, Japan at Korea.
Magsasagawa ang GMA Network ng nationwide audition para sa perfect cast na bibida sa Pinoy adaptation ng “Boys Over Flowers.” Open din ito sa Kapuso stars. Wait lang sa announcement ng GMA kung kailan at saan ang audition.
Proud
Sobrang proud ang GMA Network sa panalo ni Winwyn Marquez bilang first ever Reina Hispanoamericana 2017. Homegrown talent ng Kapuso Network si Winwyn na nagsimula bilang host ng “Candies.” Lifestyle show ito na ipinalabas sa QTV Channel 11.
After that, nagkasunud-sunod na ang mga programang nilabasan ni Winwyn sa GMA. Nakilala siya sa mga kontrabida role na ang latest na nilabasan niya ay sa “Mulawin vs. Ravena.”
Naging bahagi rin si Winwyn ng “Party Pilipinas” at “Sunday Pinasaya.”
Hopefully, pagbalik niya sa Pilipinas ay parangalan si Winwyn ng GMA at bigyan siya ng Victory Party.
Gusto nang sumuko
Inaabangan ng “Super Ma’am” viewers kung kalian muling maglalaban ng kanilang respective powers sina Super Ma’am (Marian Rivera) at Avenir (Kim Domingo).
Nakakulong pa kasi si Avenir sa isang malaking puno na napapaligiran siya ng maraming malalaking ugat.
Ani Kim, dahil sa intense training at fight scenes niya sa “Super Ma’am,” minsan ay hindi maiwasang panghinaan siya ng loob. Parang gusto na niyang sumuko.
Parati naman siyang pinapaalalahanan ni Marian na talagang mahirap lang sa umpisa, pero masasanay din siya kalaunan.
“Pinapalakas ni ate Yan ang confidence ko. Nagtsi-cheer siya kapag nahihirapan ako sa fight scenes,” ani Kim.
Bagong pasok na karakters sa “Super Ma’am” sina Diana Zubiri at Epy Quizon bilang mga manananggal na kaaway ni Super Ma’am.