By MELL T. NAVARRO
FINALLY, after humigit-kumulang na isang taong hindi paggawa ng proyekto, kumpirmado na ang pagbabalik-pelikula ng mahusay na young actor na si JM De Guzman.
Sa kanyang Facebook account, kamakailan ay nag-post ang TBA Studio executive na si Eduardo Rocha ng isang picture na kasama niya si JM at ang isa pang boss ng nasabing award-winning film outfit na si Fernando Ortigas.
May caption na “the boy is back in town” ang post ni Mr. Rocha, at nang i-repost namin ito sa aming FB account, dumagsa ang napakaraming “likes” ng magandang balita ito ng pagiging aktibo uli ni JM, isa sa pinakamahuhusay na aktor ng kanyang henerasyon.
A couple of months ago, a source told us na may offer nga for JM ang said film outfit na nag-produce ng “Heneral Luna”, “Birdshot”, “Bliss”, ang upcoming “Goyo: Ang Batang Heneral”, pero ngayon nga’y tuluy na tuloy na ito, base sa post ni Mr. Rocha.
Wala pang detalye ng gagawing movie ni JM tulad ng title, co-actors, writer at director, kaya aabangan na lang ng fans.
We also heard a film offer from an internationally-acclaimed filmmaker for JM, pero mga meetings and negotiations pa lamang ito sa ngayon.
Ang dinig namin sa pelikulang ito, sakaling matuloy, ay isang award-winning actress naman ang makakasama niya dito.
Hindi basta-basta ang mga pelikulang pinu-produce ng TBA Studios, from story concept, to casting, to award-winning production staff ay binubusisi at inaaalagaan ng kumpanya.
Sabi nga ni Mr. Rocha sa early Thanksgiving and Christmas Party nila, “We’re making Filipino movies great.”
Mukhang tuluy-tuloy na nga ang pagbabalik ni JM De Guzman, at lahat nang ito’y inaasahang mangyari sa pagpasok ng 2018.
Sa isang awards night, another reliable source whispered to us na may producer ring interesadong gumawa ng sequel ng matagumpay na pelikula ni JM na “That Thing Called Tadhana” na ang setting ay isang Asian country.
But siyempre, plano pa lang ito at dalangin nga ng kanyang fans and supporters ay matuloy ang nasabing proyekto.
Sa telebisyon ay pinag-aagawan nga siya ng magazine talk shows na “makauna” na maka-exclusive interview sa kanyang comeback – ang “Rated K” ni Korina Sanchez ng ABS-CBN at ang “Kapuso Mo, Jessica Soho” ni Jessica Soho ng GMA.
Sa pagkakaalam namin, expired na ang management contract ni JM sa Star Magic ng ABS-CBN and open ang options ngayon ni JM for others who would like to manage him, sa anumang network.
Since nung nag-post si JM sa kanyang Instagram account ng certificate na “malinis” na siya sa isyung kinasangkutan niya noon, inulan ng maraming positive comments and feedback ang netizens sa social media.
Very happy hindi lamang ang loyal fans ni JM, kundi pati na ang mga taga-industriyang naniniwala sa kakayahan ni JM as one of the finest actors of his generation.
As they say, you cannot put a damn good actor down.
Tulad ni JM, dumaan man siya sa isang matinding pagsubok o paghamon sa kanyang personal na buhay, babangon at babangon rin siya dahil maraming tao ang naniniwala at nagtitiwala pa rin sa kanya bilang isang mabusay na aktor.
Welcome back, JM!