Dalawang nakamotorsiklong armadong lalaki ang nadakip ng police nang tangkain nilang nakawan ang isang babae sa Quezon City noong Sabado.
Kinilala ni Superintendent Carlito Mantala, chief ng Masambong Police Station, ang mga nadakip na sina Wency Compendio, 19, at Christopher Ramirez, 26, kapuwa residente ng Valenzuela City.
Ayon kay Mantala, nagpapatrol ang mga miyembro ng Masambong Police dakong 5:11 p.m. noong Sabado sa Mindanao Avenue, Barangay Project 6, nang mamataan nila si Ramirez na aramado ng baril at papalapit sa isang naglalakad na babae.
Kaagad na inaresto ng police officers si Ramirez at and driver ng motorsiklo na si Compendio habang tumakbo naman palayo ang biktima dahil sa takot.
Nakumpiska sa dalawang suspects ang isang .38-caliber gun, isang hand grenade, dalawang cellphones, isang airsoft Beretta replica, at isang Yamaha motorcycle na ninakaw mula sa isang Edrick Insigne. (Alexandria San Juan)