CAMP OLIVAS, Pampanga – Kasalukuyang ine-imbestigahan ngayon ng pulisya ng Olongapo ang motibo sa likod ng pamamaslang sa isang babae na natagpuang hubad sa gilid ng isang ilog sa Barangay Sta. Rita, Tabacuhan, Olongapo City, kahapon.
Tinatayang nasa 30-34 anyos ang biktima, 5” ang taas, maputi at medyo may katabaan. May bakas diumano ito ng sugat sa ulo at bibig.
Hindi pa tiyak kung ginahasa ang biktima.
Ang tanging narekober sa crime scene ay isang electric bill. (Franco G. Regala)