By RUEL J. MENDOZA
PINAGMAMALAKI ng businesswoman at host ng GMA NewsTV travel and business show na “Business Flight” na si Ms. Cristina Decena ang magandang impluwensya sa kanya ng kanyang co-host, ang former Bb. Pilipinas-Universe na si Venus Raj.
Hindi raw inakala ni Cristina na magiging sobrang close sila ni Venus dahil magkalayo ang kanilang edad sa isa’t-isa.
Pero dahil na sa ika-3rd season na sila ng kanilang show, mas naging malapit na sila sa isa’t-isa at ngayon ay parang isa na si Venus sa tinuturing anak niya.
“Nakakagulat kasi sa edad ni Venus, I learned a lot from her. Parang ako pa ‘yung bata na tinuturuan niya tungkol sa pagkakaroon ng buhay espirituwal.
“One very important thing I learned from Venus is that she taught me how to forgive.
“Naging open na kasi ako sa kanya noong mag-cruise kami para sa isang episode ng ‘Business Flight.’ Doon na ako naglabas ng mga saloobin ko sa maraming bagay sa buhay ko.
“Akala ko at first, hindi niya ako maiintindihan kasi bata pa siya. Pero nakakagulat kasi siya pa ang parang nagturo sa akin about forgiveness.
“Naisip ko rin na tama siya. Kailangan alisin ko na ang mga burden na ‘yan na pabigat lang sa buhay natin.
“Ngayon mas magaan at mas masaya ang buhay ko ngayon dahil natuto na akong magpatawad.
“Isa pang natutunan ko from Venus ay ‘yung magbasa ako ng ‘Bibliya.’
“Every day kasi nakikita ko siya na nagbabasa ng ‘Bible.’ Ako, may ‘Bible’ ako sa house pero bihira kong buksan ito.
“Ngayon natuto na rin ako dahil kay Venus. Mas naging maganda na ang tingin ko sa buhay ngayon.
“Kaya mahal na mahal ko ang batang ‘yan. Considered ko na siya na isa sa mga anak ko dahil naging maganda ang samahan namin at napakabait niyang tao,” pagtapos pa ni Ms. Cristina Decena.