TAKOT pala mag-isa si Ejay Falcon. Sinabi niya ito sa “Tonight with Boy Abunda” na aniya, takot siyang mawala ang mga mahal niya sa buhay. Nagtatrabaho siya para sa kanila at kapag nawala ang mga ito, wala na siyang buhay. Hindi niya kakayaning mag-isa.
Mahina ang loob niya, pag-amin ni Ejay. Malaking tao si Ejay, kaya hindi iisiping mahina ang loob niya.
Since birth ay hindi pa nakikita ni Ejay ang kanyang biological father. Pero hindi siya nawawalan ng pag-asa.
Positive si Ejay na magkikita rin sila sa tamang panahon.
Samantala, kasama si Ejay sa “Barbi D’ Wonder Beki” na pinagbibidahah ni Paolo Ballesteros. Inggit-inggitan siya kay Paolo na aniya, guwapo si Paolo kapag lalaki at maganda naman ito kapag babae. Joke ni Ejay, mabuti na lang at ganu’n (beki) si Paolo para wala siyang karibal (sa mga babae) kung lalaki ito.
Showing on Nov. 29 ang “Barbi D’ Wonder Beki” sa mga sinehan nationwide.
Showing naman ngayon ang “Trip Ubusan: The Lolas Vs. Zombies” na pinagbibidahan din ni Paolo, kasama sina Jose Manalo at Wally Bayola.
Muntik pakasalan
Kasabay ng showing ng “Barbi D’ Wonder Beki” ang “Unexpectedly Yours” nina Sharon Cuneta at Robin Padilla. ‘Kaaliw ang trailer nito. Malakas pa rin ang screen chemistry nina Sharon at Robin.
May kilig pa rin ang kanilang tambalan kahit in real life ay may kanya-kanya na silang pamilya. Sa isang post ni Sharon sa social media, sinabi niyang muntik na niyang pakasalan si Robin.
Common knowledge na nagkaroon sila ng relasyon noon. Naghiwalay sila dahil nalaman ni Sharon na may Liesel Sicangco pala si Robin at buntis pa ito.
But then, nanatili silang magkaibigan hanggang ngayon. Nag-donate pa si Sharon para sa “Tindig Marawi” project ni Robin. Ayaw ni Sharon ipaalam kung magkano ang ibinigay niya, kaya hindi sinabi ni Robin kung magkano ang ibinigay ng megastar.
Nauna nang nagbigay si Robin ng P5-million. P1-million si Piolo Pascual at P500,000 naman si direk Joyce Bernal.
Kasama rin sina Julia Barretto at Joshua Garcia sa “Unexpectedly Yours,” directed by Cathy Garcia-Molina, produced by Star Cinema.
Tanong lang, bakit kaya wala si Sharon sa 1st birthday party ng anak nina Robin at Mariel Padilla na si Isabella? Si Vina Morales na ex-girlfriend din ni Robin ay ‘andu’n kasama ang anak nitong si Ceana.