NAGING emotional ang mommy ni Isabel Granada at ang husband niyang si Arnel Cowley noong gawaran ang late singer-actress ng posthumous award sa nakaraang Walk of Fame Philippines event na ginanap sa Eastwood City.
May sarili na ring star si Isabel sa nakaukit na pangalan niya na ayon sa kanyang mommy, three years ago pa’y nasabi sa kanya ni Isabel na sana raw ay mailagay din ang pangalan nito at star sa WOFP.
Ayon pa kay mommy Guapa, mas masaya sana kung si Isabel mismo ang tumanggap ng parangal, kesa siya (mommy Guapa). But then, pinasalamatan niya ang bumubuo ng WOFP na ipinagpapatuloy ni Federico Moreno, anak ng yumaong German “Kuya Germs” Moreno. Ito ang nakaisip itaguyod ang proyekto bilang parangal sa iba’t ibang personalidad sa larangan ng pelikula, telebisyon at radyo.
Intriga
Kababalik pa lang ni Atom Araullo sa GMA Network, agad ay pinarangalan siya sa nakaraang Walk of Fame Philippines.
Ginawaran siya ng sarili niyang star sa kanyang pangalan para sa naging kontribusyon niya bilang bahagi ng news and public affairs.
Hindi kaya maintriga na naman si Atom at ang male news anchor na diumano’y naiinsecure sa kanya? Pinangalanan na ito sa ibang tabloid na si Ivan Mayrina pala ‘yun. How true na diumano, hindi raw nagugustuhan ni Ivan ang special attention at treatment na ibinibigay kay Atom ng GMA sa pagbalik nito bilang Kapuso?
In any case, pinarangalan din sa Walk of Fame Philippines ang dalawang Kapuso stars na sina Kris Bernal at Solenn Heussaff. For sure, may ibang celebrities ang kumukuwestiyon kung bakit nauna pa sa kanila na parangalan sina Kris at Solenn.
Fans day
Nasa Dubai ngayon si Ruru Madrid para sa “The Grand Welcome” event na gaganapin sa Dusit Thani Hotel. Performer si Ruru sa beauty pageant ng nasabing event at magkakaroon din siya ng fans’ day.
Audition
Simula na this Saturday ng audition para sa local adaptation ng “Boys Over Flowers.” Open ito sa boys and girls, 16 years old and above.
Magpunta sa GMA Network Studio 1, 8 am to 3 pm. Magdala ng close-up and whole body photo. At least, 5’7” ang height ng boys, 5” naman ang girls.