By: Dante “Danz” A. Lagana
MAY mga nanghuhula o nagsasabi na hindi mananalo ang Filipino-British model na kasalukuyang Bb. Pilipinas Universe na si Rachel Peters, ang ating pambato sa 66th Miss Universe 2017 na gaganapin sa The Axis of Planet Hollywood sa Las Vegas, Nevada sa Nov. 26 at Nov. 27 naman sa araw natin dito sa Pilipinas, sa kadahilanang Pinoy na naman daw ang isa sa mga magsisilbing judges sa katauhan ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach.
Actually, malaking karangalan para kay Pia at ng Pilipinas na may isa na namang Pinay na magiging judge sa Miss Universe. Kaso nagkakataon na lang na palaging hindi nagwawagi ang ating kandidata kung hindi runner-up walang place na nakukuha.
Ganoon na rin ang sinasabi ng mga netizens sa social media. Pero ganoon pa man todo suporta ang ating mga kababayan na sana manalo pa rin si Rachel Peters.
May mga nagsasabi na stigma na nakaakibat daw ang pagkakatalo ng Pinay sa Miss Universe kapag may Pinoy na telecast judge.
For the record, nakakapito na ang mga Pinoy na nagiging judges sa Miss Universe kagaya nila dating Foreign Affairs Secretary Carlos P. Romulo noong July 19,1974, fashion designer Josie Cruz Natori noong May 23, 1989, ang singer-actress na si Kuh Ledesma noong May 17, 1991, ang dating chairman ng Manila Bulletin Publishing Corp. and philanthropist Emilio T. Yap noong May 20, 1994, singer-actress and broadway star Lea Salonga noong Sept. 12, 2011, at ang ating Pambansang Kamao himself Manny Pacquiao noong January 25, 2015. Sa mga nabanggit na naging judge walang nanalong Pinay sa Miss Universe.
Infairness malaki ang laban ng ating kalahok sa Miss U. Kapag nagkataon at nanalo ngayong 2017 si Rachel Peters sa Miss Universe mabebreak niya ang stigma na kapag may Pinoy na judge natatalo. Whatever it is nasa good performance pa rin ni Rachel lahat at lalo na rin ang suporta ng mga Pinoy at ng ibang lahi.
Kunsabagay kung destiny mo talaga na manalo, mananalo ka talaga kahit anupaman ang ibato sayo ng mga kritiko at ng mga bashers.