DUMARAAN talaga sa isang tao ‘yung feeling na down ka kahit wala namang dahilan. Nalulungkot, nagiging sentimental sa mga bagay-bagay. Wala sa sarili.
Ganyan ang naranasan ni Kristoffer Martin kamakailan. Aniya, the whole day ay feeling down siya. “Hindi ko talaga naramdaman ang araw na ‘yun. Ewan ko ba kung bakit,” anang “Super Ma’am” star.
Naging emotional siya. Good thing na sinopresa siya ng Tuntunatics fans niya noong nakaraan niyang birthday. Ani Kristoffer, sobrang na-appreciate niya ang ginawa ng kanyang fans for making his day complete.
May emote rin si Kristoffer sa isang post niya sa social media. Parang gusto muna niyang mag-leave sa showbiz to re-assess himself. Nababagalan ba si Kristoffer sa tinatakbo ng kanyang career?
Ano nga ba ang kulang kay Kristoffer para tuluyang magningning ang kanyang bituin? Can act, can sing, can dance naman siya. Push pa more!
Good job
Good job, Rocco Nacino! Grumadweyt siya na cum laude sa pagtatapos niya ng masteral degree in Nursing. Sobrang nakaka-proud ang “Haplos” star dahil napagsabay niya ang pagso-showbiz at pag-aaral.
Registered nurse si Rocco, hindi lang niya napraktis ang pinag-aralan niya dahil nag-showbiz siya. But then, nasa bucket list niya na makapag-masteral degree, kaya sinikap niyang makatapos sa kabila ng hectic schedule niya.
Bukod sa pag-aartista, may mga restaurant business si Rocco, kasosyo ang ilang kaibigan. Meron pa siyang dalawang branch ng Elorde gym.
Nagpapatayo pa siya ng dream house niya sa Antipolo City. Kung sa pag-aaral lang siguro nakatutok si Rocco, baka magna cum laude o summa cum laude siya.
No show
No show si Christopher de Leon sa presscon ng isang bagong show niya sa GMA. Hindi kaya sinadya ng premyadong aktor na huwag dumating para maiwasang matanong siya ng entertainment press tungkol sa anak niyang si Mariel de Leon?
Kontrobersiyal si Mariel sa pagkatalo niya sa Miss International 2017 pageant dahil sa social media war nila ni Davao City mayor Sarah Duterte. May bashers/haters din si Mariel bago pa siya nakipag-compete sa Miss International pageant, maging noong natalo siya. Nega (as in negative) ang dating ng anak ni Christopher, although, may mga nagtatanggol din naman kay Mariel.
Sabagay, mabuti nang wala si Christopher sa presscon para iwas-intriga. Isa siya sa mga nirerespetong aktor sa industriya.