By RUEL J. MENDOZA
ISA sa promising newcomers ngayon sa TV ay ang Fil-Japanese teen actress na si Taki Saito.
Unang napanood si Taki sa TV5 via “Parang Normal Activity.” Lumabas din siya sa “Calle Siete” at “Trops” ng TAPE Inc. sa GMA-7 at regular siyang napapanood na sumasayaw sa “Eat Bulaga!.”
Ngayon ay nakagawa na ang 17-year old teen star ng kanyang first movie, ang “Trip Ubusan: The Lolas Vs. Zombies” kunsaan ka-loveteam niya ang That’s My Bae winner na si Kenneth Medrano.
“I enjoyed doing my first movie. Nakakatawa po kasi ang mga lolas na sina Paolo Ballesteros, Jose Manalo and Wally Bayola. Mga kuya namin sila sa set.
“Like me, first time din na gumawa ng movie sina Kenneth, Miggy Tolentino at Shair Mae dela Cruz. Kaya we all listen sa mga sinasabi nila sa amin,” sey ni Taki.
Pinanganak si Taki sa Japan. Fil-Japanese ang kanyang ina at Brazilian naman ang ama niya na hindi niya nakilala.
“Noong pinanganak po ako, naghiwalay na sila mommy at daddy. They were both very young noong nag-asawa sila kaya hindi sila nagkakasundo.
“When I was 5-years old, my mom took me to Paris, France kasi doon siya nagkaroon ng work. Eight years din kaming nag-stay doon kaya I speak fluent French.
“Kaya when we decided to live here na sa Pilipinas, hindi ako makapagsalita ng Tagalog or English. I only knew French.
“Sa school na ako natuto ng Tagalog and English. I went to Colegio de San Agustin. It was hard at first but I was able to learn new languages,” ngiti pa niya.
Sinubukan ni Taki na makipag-communicate sa kanyang biological father pero pinagsisihan lang daw niya ito.
“I was able to find him through social media. He still lives in Brazil.
“I met his family first pero noong magkausap na kami ng dad ko, parang wala lang. He wasn’t excited to see me at all.
“Nakakasama lang ng loob because I hid that sa mommy ko.
“But I’m still happy na nakilala ko siya. I was expecting na matutuwa siya to see me. Pero kabaligtaran ang nangyari.
“Anyway, I love my stepdad kasi mahal niya ang mommy ko. Mahal ko rin ang stepbrother ko. At least, nakaramdam ako ng isang buong pamilya.”