Patay ang isang teenager matapos itong saksakin habang natutulog sa loob ng nakaparadang jeep sa San Andres Bukid, Maynila.
Ayon kay SPO4 Glenzor Vallejo, imbestigador ng Manila Police District – Homicide Division, ang biktima ay kinilala nito na si Gemuel Rebugio, residente ng 2515 Radium Compound, San Andres Bukid, Manila. Dead on the spot ang biktima dahil sa isang saksak sa dibdib.
Nakatakas naman ang suspek na sinasabing may edad 40-45 years old, 5’3” hanggang 5’4” ang tangkad at nakasuot ng putting shirt at brown cargo pants.
Sinasabing bago patayin ng suspek ang biktima ay lumapit muna sa isang grupo na nasa loob ng parehong jeep at humingi pa ng limos.
Nagsabi naman ang suspek na matutulog siya sa loob ng jeep at sabay na naglabas ng kitchen knife.
Nagdesisyon ang grupo na umalis sa jeep kung saan naiwan ang natutulog na biktima.
Matapos bumili sa isang tindahan ay bumalik ang grupo sa jeep kung saan nakita na nito ang duguan na biktima.
Kasalukuyan nang inaalam ng pulisya ang motibo sa pagpatay. (Dhel Nazario)