By GLEN P. SIBONGA
FIRST time magkatrabaho at maging magkatambal nina Arjo Atayde at Sue Ramirez sa bagong ABS-CBN afternoon teleseryeng “Hanggang Saan.”
Ano ang na-discover nila sa isa’t-isa at ine-enjoy nila tuwing magkasama? “Ngayon lang po ako nakakita ng taong kayang makipagtapatan sa daldalan sa akin,” sambit ni Sue. “Promise, sobrang daldal ko po talaga. ‘Yung iba tinatalikuran na lang ako. Si Arjo, hangga’t nagsasalita ako, nagsasalita rin siya. Ang dami lang naming similarities. Akala ko po dati tahimik lang si Arjo, siyempre napapanood ko siya, si Joaquin (sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’). So, parang medyo mysterious ‘yung appeal niya. Tapos nung nakasama ko na siya, sobrang hindi ko in-expect na sobrang cowboy ni Arjo. Siyempre well-off naman ‘yung family niya, pero ang ganda nung pagpapalaki sa kanila ng parents nila. At saka sobrang ang ganda ng relationship niya with his mom (Sylvia). Kitang-kita namin iyon sa set every taping.”
Papuri naman ni Arjo kay Sue, “Walang kaarte-arte, ang sarap kaeksena, napaka-professional, and napakabait. I guess we build a good working relationship in a span of just a month kasi napaka-light niyang katrabaho. Tulad nga ng sabi niya kami ang madalas magkuwentuhan. Ine-enjoy namin ‘yung time namin together. Ako kasi I usually put on a serious face before and during a scene, so when I go off-cam doon niya nakikita ‘yung kung paano ako and she has witnessed it. It’s been only a month, but I’m already looking forward to working with her for the next project.”
Mula sa produksyon ng GMO unit ni Ginny Monteagudo Ocampo at sa direksyon nina Jeffrey Jeturian, Mervyn Brondial, at Topel Lee, ang “Hanggang Saan” ay mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng “Pusong Ligaw” sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.