by Rowena Agilada
NAG-SPOILER si Robin Padilla na may kissing scene sila ni Sharon Cuneta sa “Unexpectedly Yours.” Aniya, hindi naalis ang fan mentality niya. Idol pa rin niya si Sharon at natutulala pa rin siya.
Nasabi niya sa kanyang sarili, “Nahalikan ko na naman si Sharon Cuneta. Ang tatanda na namin. Pangit kung wala kaming kissing scene,” saad ni Robin sa presscon.
“Pagdating ng Panahon” ang last movie nila together na ginawa nila in 2001. After 16 years, reunited sila sa “Unexpectedly Yours.” Ayon kay Sharon, si Robin ang favorite leading man niya. “Working with Robin is always a pleasure,” anang Megastar. Akala raw niya’y hindi na matutuloy ang movie nila, kaya kumain siya nang kumain, kaya tumaba siya uli, ani Sharon.
Karamihan sa mga eksena ng “Unexpectedly Yours” ay kinunan sa Sta. Rosa, Laguna at Tagaytay. Showing ito today sa mga sinehan nationwide. Kasama rin sina Julia Barretto at Joshua Garcia.
Bilib
Sobrang bumilib si Robin Padilla sa direktor nilang si Cathy Garcia-Molina. All-around daw ito na kahit kaliit-liitang detalye sa movie nila ni Sharon ay napapansin nito.
Pati hibla ng buhok at damit na suot nila, napapansin ni direk Cathy. Sobrang metikulosa ito. May isang eksena si Robin sa “Unexpectedly Yours” na sasayaw siya. Hindi niya ‘yun magawa, kaya ini-acting ni direk Cathy at nagsayaw lalaki ito, ayon kay Robin.
Aniya pa, palamura si direk Cathy kapag nagagalit. “Pero galit na may lambing,” pambawi ni Robin. ‘Yun din ang sinabi ni Aga Muhlach na nakatrabaho si direk Cathy sa “Seven Sundays.”
Sayang at wala sa presscon si direk Cathy. Natanong sana siya ng working experience niya with Sharon and Robin.
Sabay
Magkasabay ang showing today ng “Unexpectedly Yours” at “Barbi D’ Wonder Beki” ni Paolo Ballesteros. Ani Paolo, hindi naman siya napi-pressure dahil magkaiba ang tema ng dalawang pelikula.
Gusto nga niyang panoorin ang “Unexpectedly Yours” dahil interesado siyang mapanood muli sa big screen ang Sharon-Robin tandem. Saksi siya sa kasikatan noon ng mga ito.
Wish ni Paolo na parehong tangkilikin ang UY at “Barbi, D’ Wonder Beki.” Magandang abangan ang salpukan sa takilya ng dalawang pelikula. Sharon-Robin plus Julia-Joshua vs. Paolo, kanino kayo?