Nadakip ng mga miyembro ng Jose Abad Santos Police Station ang itinuturing na number one wanted man sa kanilang lugar sa Tondo, Manila, Martes ng hapon.
Inaresto si Raymund Bonifacio, 34, sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Marlo Magdoza-Malagar ng Manila Regional Trial Court Branch 19 noong July 15, 2016.
Ayon sa police, si Bonifacio ay panglima sa most wanted list ng police station dahil sa kasong robbery-holdup.
Bago nadakip ang suspect, nakatanggap ang police ng tawag mula sa isang informant na nagsabing bibisita si si Bonifacio sa kaniyang mga kamag-anak sa Raxabago, Tondo, sa Barangay 155, Zone 14.
Rumesponde ang mga tauhan ni Chief Inspector Ronaldo Santiago sa lugar kung saan natiklo si Bonifacio dakong 3:15 p.m.
Sinabi ng police na nagtangkang manlaban si Bonifacio bago tuluyang nadala sa Jose Abad Santos Police Station kung saan siya nakakulong ngayon. (Analou de Vera)