AFTER three years, reunited sina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado sa “All of You,” official entry sa 2017 Metro Manila Film Festival. Una silang nagtambal sa “English Only Please, “MMFF entry noong 2014, directed by Dan Villegas na siya rin ang nag-direk ng AOY.
Tinanghal na best actor, best actress at best director respectively sina Derek, Jennylyn at direk Dan sa EOP. Nanalo rin ito bilang second best picture.
Sa presscon ng “All of You,” natanong sina Derek at Jennylyn kung ini-expect ba nilang manalo uli ng award? Both said na wala silang expectations, basta ginawa nila ang kanilang best sa naturang movie. Ani Derek, mas gusto niya ang box-office hit kesa award.
Anila, nag-level-up na, nag-mature na ang roles nila sa AOY. Marami silang kissing scenes, sexy scenes at intimate scenes na talagang parehong bigay-todo sina Derek at Jennylyn.
“Maingat naman si Derek at talagang inalagaan niya ako sa intimate scenes namin. Most daring scenes ko sa pelikulang ito na talagang bumigay ako nang todo,” saad ni Jennlyn.
Ang AOY ay prodyus ng Quantum Films, MJM Productions, Globe Studios at Planet Media Production.
Ayaw pa
Ani Jennylyn Mercado, marami ang makaka-relate sa “All of You.” Tungkol ito sa relasyon, pagmamahal, marriage at iba pang aspeto ng relasyon.
Handa na ba siyang magpakasal? “Hindi pa. Marami pa akong gustong gawin sa buhay. Maliit pa ang anak ko (Alex Jazz),” sambit ni Jennylyn.
Si Derek naman ay nagsabing ready na siya magpakasal. “I’m just finding the right time,” he said. Non-showbiz ang girlfriend ni Derek, at alam naman ng lahat na si Dennis Trillo ang boyfriend ni Jennylyn. Kasal na nga lang ang kulang sa kanilang relasyon dahil mistula silang honeymooners kapag nagta-travel sila here and abroad.
Seminar
Magkakaroon ng seminar ang Mowelfund at National Cinema Association of the Philippines (NCAP) on Dec. 7 na gaganapin sa Sampaguita Gardens, 36 Valencia Street, QC, 9 am to 6 pm.
Ang paksa ay tungkol sa distribution at exhibition ng pelikula. Ang seminar fee ay R1,000. For reservations, please call at 727-1915/727-1961 or email at [email protected].
Si Mayor Joseph “Erap” Estrada ang founder ng Mowelfund na ang layunin ay matulungan ang mga manggagawa ng Pelikulang Pilipino.