By GLEN P. SIBONGA
EXCITED na si Ai-Ai delas Alas dahil sa church wedding nila ng fiancé niyang si Gerald Sibayan sa Dec. 12 ay opisyal at legal na siyang magiging Mrs. Martina Eileen delas Alas Sibayan.
“Excited na kasi magiging official na ‘yung pagsasama namin, ikakasal na kami. At saka kumbaga tama na, mababasbasan na ‘yung pagsasama namin, hindi na kami live in. ‘Yun ‘yung magandang mangyayari kumbaga legal na kami sa harapan ng mga tao, sa harap ng Diyos,” sabi ni Ai-Ai.
Pabiro namang sinabi ni Ai-Ai na ninenerbiyos siya dahil baka raw magbago ng isip si Gerald. “Ako ang ninenerbiyos kasi minsan tinanong niya ako, niloloko niya ako, ‘Ayaw mo ba? Pwede bang mag-backout?’” sabay tawa ng Comedy Queen.
Pero si Gerald ay siguradong-sigurado sa gagawin niyang pagpapakasal kay Ai-Ai. “Siyempre sinasabi ng ibang tao minsan, ‘Kinakabahan ka ba?’ Sabi ko, ‘Hindi naman. Kasi sure naman ako sa gagawin ko e,’” ani Gerald.
Hindi ba sila nai-stress sa wedding preparations nila? “Hindi naman, kasi meron naman kaming wedding planner,” sabi ni Ai-Ai.
Sa Japan daw ang honeymoon nila pagkatapos ng kasal. Plano rin nilang mag-Europe next year. Looking forward daw silang dalawa sa bubuuin nilang pamilya, siyempre kasama na rin dito ang naunang mga anak ni Ai-Ai.
Birong tanong ng press kay Ai-Ai, pwede pa ba siyang magka-anak? “Bahala na si Lord. Si Lord na ang nakakaalam.”
Pero open ba sila ni Gerald na mag-ampon kung sakali? “Oo naman, open naman kami sa lahat. Basta ‘yung magiging ano namin is aalagaan namin whatever ‘yung ibigay sa amin ni Lord.”