NO show si Mayor Herbert Bautista sa birthday treat nilang magkakapatid (councilor Hero at Harlene) para sa entertainment writers na birthday celebrators mula October hanggang December. Nauna na ang celebration para sa January hanggang September born.
Yearly ay ginagawa ito ng Bautista siblings bilang pasasalamat na rin sa patuloy na suporta sa kanila ng entertainment press. Si Harlene lang ang naroon at naging punong-abala sa pag-istima. Aniya, may importanteng activity si mayor HB, kaya hindi ito nakarating.
Ginanap ang birthday treat sa Salu restaurant, QC na pagmamay-ari ni Harlene at ng mister niyang si Romnick Sarmenta.
Producer din si Harlene ng Heaven’s Best Productions at part-producer siya ng “Ang Larawan,” official entry sa 2017 Metro Manila Film Festival na magsisimula sa Dec. 25. Thankful si Harlene na napabilang ito sa walong official entries.
Tampok sa “Ang Larawan” sina Joanna Ampil, Rachel Alejandro at Paulo Avelino. Base ito sa musical play na sinulat ni Nick Joaquin. “A Portrait of the Artist as Filipino.” Tungkol ito sa isang pamilya na ang painting ng kanilang ama ay ayaw ipagbili ng kanyang mga anak kahit malaki ang maitutulong nito sa pinansiyal na pangangailangan nila.
Ang setting ng pelikula ay noong pre-World War II sa Intramuros. Isa sa highlights ng “Ang Larawan” ay ang La Naval procession na sinaksihan ng mga protagonist, Marasigan family at kanilang mga kaibigan. Ang La Naval procession ay most-awaited religious celebrations na taunang ginaganap Sto. Domingo Church, QC.
Nag-research ang production design team led by Gino Gonzales para maging malapit sa katotohanan ang highlight ng pelikula. Thankful sila sa pamunuan ng Sto. Domingo church na ipinagamit sa kanila ang imahe ng Virgin of La Naval na dinala pa sa Intramuros para sa shoot ng procession scene.
Dubai show
Nasa Dubai on Dec. 8 si Kim Domingo para sa isang event ng GMA Pinoy TV at Fil Hub Events Management. Bahagi ang “Super Ma’am” star ng “The Kim and Queen in Dubai.
After ng show, may meet and greet at selfie with Kim. May two-day photography workshop naman si Raymund Isaac sa Burjuman Tower Arjaan Rotana Hotel at si Kim ang model sa second day.
Unang nagbakasyon si Kim sa Hong Kong matapos siyang rumampa sa underwear fashion show ng isang clothing line.