NA-MISS ni Vic Sotto ang pagsakay sa festival float at pag-join sa Metro Manila Film Festival Parade of Stars, kaya sobrang excited siya dahil may entry siya this year, ang “Meant To Beh.”
Si Dawn Zulueta ang kapareha niya na first time sila nagkasama sa big screen. Nagkatrabaho sila sa TV series na “Okay Ka, Fairy Ko” kung saan gumanap si Dawn bilang Faye. That was 20 years ago.
Ani Vic, wala siyang ibang naisip kundi si Dawn ang gusto niyang makapareha. “Buti naman, ako ang naalala mo,” sambit ng aktres sa presscon. “Yang ganda mong ‘yan, maaalala talaga kita,” buwelta ni Vic.
Impressive ang ipinakitang trailer ng “Meant To Beh.” Mukhang malakas ang laban sa ibang MMFF entries. Ani Vic, hindi niya iniisip na kalaban ang mga ‘yun. “Lahat ay magkakapatid, magkakapamilya, magkakapuso. Wala sa akin kung indie o mainstream movies. Para sa akin, pareho lang. Sana suportahan natin ang lahat ng MMFF entries,” wika ni Vic.
Rated GP (General Patronage) ang MTB at tampok din sina Gabbi Garcia, Ruru Madrid, Daniel Matsunaga, Andrea Torres, Baeby Baste, JC Santos, Sue Ramirez. Directed by Chris Martinez.
Kahanga-hanga
Masuwerte ang constituents ni Congressman Yul Servo. First term pa lang niya bilang congressman sa third district ng Manila, ang dami na niyang accomplishments. Nakapagpagawa na siya ng public schools, nakapag-parepair ng mga bubungan ng eskuwelahan at buildings, may medical missions pa siya at kung anu-ano pang proyekto para sa mga nasasakupang barangay ng kanyang distrito.
Naging konsehal muna si Yul ng tatlong termino at maganda ang record niya bilang isang public servant.
Kaya naman super proud si direk Maryo J. delos Reyes, mentor-discoverer-manager ni Yul. Aniya, noong una’y tutol talaga siya na pasukin ni Yul ang larangan ng pulitika.
Sa kakukulit ni Yul, pumayag na rin siya. Kabilin-bilinan niyang huwag itong mangungurakot. Maipagmamalaki ni direk Maryo si Yul bilang isang public servant na hindi kurakot.
Thanksgiving party
Kabilang si Yul sa talents ng Production 56 Inc. na pinamumunuan ni direk Maryo. Bilang pasasalamat sa press, nagpa-thanksgiving dinner at early Christmas party ang kompanya, spearheaded by Yul.
Nagpa-raffle ng cash at in kind, bukod sa may give-aways pa. Dumating din ang ibang talents ng P56 Inc. na sina Ruru Madrid, Miggs Cuaderno, Nash Aguas, Barbara Miguel, Leandro Baldemor, Romano Vasquez, Will Ashley de Leon, Xyrus Cruz, among others.