ANG “Haunted Forest” ng Regal Entertainment ang nag-iisang horror movie na kasali sa 2017 Metro Manila Film Festival.
Tampok dito sina Jane Oineza, Maris Racal, Jon Lucas at Jameson Blake. Anila, thankful sila na nakapasok ang kanilang movie sa walong official entries.
Big challenge at blessing ito sa kanila na bahagi sila ng MMFF na inaabangan every year. Excited sila dahil first time nilang makakasama sa Parade of Stars.
Si Ian Lorenos ang director na aniya, hindi siya napi-pressure at confident siya na tatangkilikin ang “Haunted Forest.” Hindi man masasabing big stars ang mga bida, ipinagmamalaki ni direk Ian ang story ng HF. Hindi lang ito katatakutan, may kilig factor din. May family values rin na ituturo ng mga karakter sa pelikula.
Tampok din sa “Haunted Forest” sina Raymart Santiago, Joey Marquez, Jerald Napoles, Betong Sumaya, Myrtle Sarrosa, Miho Nishida, Beverly Salviejo, atbpa.
Inspired
Inamin ni Maris Racal sa presscon ng “Haunted Forest” na inspired siya ngayon. Si Iñigo Pascual ang kanyang inspiration at marami siyang natututunan from him.
Close friends sila, ani Maris na ayaw paniwalaan ng entertainment press. Mukhang more than close friends ang namamagitan sa kanila ni Iñigo.
Sabi pa ni Maris, si Iñigo ang gusto niyang kasama kapag manonood siya ng “Haunted Forest.”
Inamin naman ni Jane Oineza na may boyfriend siya. Si Ryle Santiago ba ‘yun? Matagal na siyang naka-move-on sa break-up nila ni Jerone Teng at ayaw na niya itong pag-usapan.
Christmas party
No show si Heart Evangelista sa Christmas Party ng GMA for the Press. Sina Alexander Lee at Andy Yu na co-stars niya sa “My Korean Jagiya” ang nagpunta. Korean ang tema ng party. May tinanghal na Oppa at Jagiya of the Night.
May mga game na sinalihan ng press. Hosts ng party sina Betong Sumaya at Tetay.
Dumating din ang ibang Kapuso stars at naghandog ng awitin tulad nina Glaiza de Casto, Koreen Medina, T.O.P. boy band. Bumati naman sina Gil Cuerva, Ivan Dorschener, Mikoy Morales, David Licauco, Phytos Ramirez, Bruno Gabriel.
Nag-donate ng cash prizes para sa raffle sina Janine Gutierrez, Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Barbie Forteza, Sanya Lopez, Jak Roberto, Megan Young, Mikael Daez, Mike Enriquez at ibang GMA executives, Tape Inc. at marami pang iba.
Ang annual Christmas Party ay pasasalamat ng GMA sa press sa patuloy na suporta sa mga programa ng Kapuso Network.