By Analou De Vera
Patay ang isang 32-taong gulang na lalaki nang barilin sa harap ng kaniyang asawa habang papauwi sa kanilang tahanan sa Binondo, Manila, noong Huwebes ng gabi.
Dead on arrival si Lauro Canes sa Gat Andres Memorial Medical Center matapos barilin ng isang alias “Jeff”, ayon sa police.
Bago ang pamamaril, nanonood ng basketball game si Canes malapit sa Gate 54, Parola Compound, nang sunduin siya ng kaniyang partner na si Imelda Saluib.
Base sa police report, naglalakad pauwi ang dalawa dakong 10:05 p.m. nang biglang lumitaw si Jeff at agad na pinutukan ng baril si Canes.
Mabilis na tumakas ang gunman habang isinugod sa ospital si Canes.
Sinabi ni PO3 Michael Marragun ng Manila Police District homicide division na pinaghahanap nila ngayon si Jeff at inaaalam pa ang motibo ng pagpatay.