By Johnny Decena
Alam na ng bayang karerista na bukas na gaganapin ang pinakamayaman, pinaka-prestihiyosong racing event ng taon, ang 2017 PCSO Presidential Gold Cup na nakatoka sa karerahan ng Metro Turf in Malvar, Tanauan City, Batangas.
Narito ang mga entries, kumpleto sa “rekado”: B.A. Abalos III’s Pinagtipunan, J.B. Hernandez; N.G. Cruz’s Bite My Dust, J.B. Guco; W.T Tan’sSubterranean River, K.B. Abobo; S.C. Stockfarm, Inc’s Sepfourteen, J.A. Guce; H.S.
Esguerra’s Dewey Boulevard. Pat R. Dilem; B.C. Abalos. Jr.’sLakan, A.R. Villegas; J.C. Dyhenco’s Hiway One, R.O. Niu, Jr.; N.O. Morales’ Messi, Val R. Dilema; and couple entry Tap Dance, J. G. Serrano.
Nabanggit ko na rito ang ilang Presidential Gold Cup 2-leg winners kamakailan at nais kong isulat naman ang ilan pang PG Cup winners dahil masarap naman gunitain ang mga ito.
Narito ang Hobby, Real Top, Strong Material, Crown Colony, Fair Star, Grand Party, Balatkayo, Thriller, Time Master, Music Machine, Head Master, Dino Bambino, Sky Walker, Red Annie, Honor Roll, Gyspsy Grey, Little Morning, Fiorella, Henna’s Gold, Ilocos King at Sun Gold.
Sa isang masugid na karerista, tulad ko na 1934 pa ay sumasama na ako kay Itay lalo na kapag tatakbo sina Rainbow at Pandita sa San Lazaro…wala pa ang Santa Ana nuon pero nang magbukas ito noong 1937 kasama na akong dumalo, sakay kami sa Train hanggang bago sumapit sa North Cemetery.
Kaya naman hanggang ngayon ay naririto pa ako at may column pang pinamagatang SILIP na mababasa tuwing araw ng karera…heh,heh, see you at Samson’s and or at Obet dela Paz off track betting Station….Good Luck!!!