By GLEN P. SIBONGA
TUWANG-TUWA sina Gabbi Garcia at Ruru Madrid dahil balik-tambalan sila sa Metro Manila Film Festival 2017 official entry na “Meant To Beh,” na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Dawn Zulueta. Nataon pang ito ang kauna-unahan nilang MMFF movie kaya sigurado raw na matutuwa rin ang fans nila.
“It’s very exciting po and at the same time we had fun shooting the movie and para ito sa lahat ng GabRu fans also na naghihintay and treat ito para sa kanila,” sabi ni Gabbi.
Dagdag pa ni Ruru, “This is our first time to be part of MMFF, so we feel very lucky and talagang sobrang saya na maging parte kami ng movie na ito.”
Kumusta naman katrabaho sina Bossing Vic at Dawn? “It’s my first time working with Bossing and Ms. Dawn. Siyempre parang pinapangarap ko lang dati pa noong hindi pa ako artista na makita lang sila, pero ngayon nakatrabaho ko pa sila. Honestly, isang beses ko lang yata nakaeksena si Bossing sa pelikulang ito, pero si Bossing sobrang approachable naman niya every time na magge-guest ako sa ‘Eat Bulaga.’ Si Ms. Dawn ganun din nung magkita kami sa shooting ng ‘Meant To Beh.’ So, talagang sobrang bait nila at very approachable, and talagang very professional,” ani Ruru.
Ayon naman kay Gabbi, “Sobrang honored po ako kasi anak po ako nina Bossing at Ms. Dawn dito sa film na ito kaya madalas ko po silang makasama, nakakaeksena tuwing shooting day. And masasabi ko po talaga na hindi ka maghe-hesitate na i-approach sila at makipagkuwentuhan, makipagbiruan kasi napaka-approachable po nila and napakabait po. Ang sarap lang po sabihin na nakatrabaho ko na sila kasi I really look up to them and ang dami ko pong natutunan.”
Handog ng OctoArts Films, APT Entertainment, at M-Zet, at sa direksyon ni Chris Martinez, ang “Meant To Beh” ay mapapanood sa mga sinehan bilang bahagi ng MMFF 2017 simula sa Pasko, Dec. 25.