by Rowena Agilada
SI Kyle Secades at hindi si Ryle Santiago ang boyfriend ni Jane Oineza. Dating Pinoy Big Brother housemate si Kyle na ayon kay Jane, two years na sila together.
Tahimik lang ang kanilang relasyon na ani Jane, ayaw niya na puro lovelife ang pinag-uusapan tungkol sa kanya.
But then, sa presscon ng “Haunted Forest,” ang lovelife pa rin ni Jane ang inusisa ng press. Aniya, seryoso ang relasyon nila ni Kyle. Pero hindi pa nila napag-uusapan ang kasal.
Nagustuhan niya kay Kyle ang pagiging totoong tao nito. Hindi mapagpanggap at supportive ito sa kanyang career. In any case, excited si Jane dahil kasali sa 2017 Metro Manila Film Festival ang “Haunted Forest.” Aniya, may pressure dahil mga bigating artista ang tampok sa ibang festival entries.
Kinakabahan si Jane, pero thankful siya sa pagkakataong ibinigay ng Regal Entertainment para maging bida sa “Haunted Forest” at maging bahagi ng MMFF. Tampok din sina Maris Racal, Jon Lucas at Jameson Blake with Raymart Santiago, Joey Marquez, Beverly Salviejo, Jerald Napoles, Betong Sumaya, atbpa. Directed by Ian Lorenos.
Deadma
Deadma lang si Daniel Matsunaga sa todong pagpapaseksi ni Erich Gonzales. Aniya, wala siyang masasabi sa pagpapaseksi ng kanyang ex-girlfriend. Happy siya sa kanyang lovelife ngayon. Isang Polish ang girlfriend ni Daniel na kamakailan ay nagbakasyon sila sa Palawan.
Ani Daniel, past is past! Naka-move on na siya. Happy siya with his family at sa blessings na dumarating sa kanya. Kasama si Daniel sa “Meant To Beh,” kung saan third wheel siya sa relasyon nina Vic Sotto at Dawn Zulueta. “It’s a pleasure to work with them. Thankful ako sa opportunity. Sobrang bait nila, approachable. Masaya sa set,” saad ni Daniel.
Official entry sa Metro Manila Film Festival ang “Meant To Beh” at tampok din sina Ruru Madrid, Gabbi Garcia, Baeby Baste, Andrea Torres, JC Santos. Directed by Chris Martinez.
Christmas wish
Nineteen years old na pala si Nash Aguas. Parang kailan lang, napapanood siya sa “Goin’ Bulilit.” How time flies!
May restaurant business na si Nash. May noodle house siya, Muramen at tatlo na ang branches nito… Manila, Makati at Dumaguete.
Sa US magpa-Pasko si Nash at may family reunion sila doon. Makikipagkita siya sa kanyang daddy na matagal nang hiwalay sa kanyang mommy. Wish ni Nash na magkabalikan ang mga ito.
Ang Production 56 Inc. na pinamumunuan ni direk Maryo J. delos Reyes ang bagong management company ni Nash.