By CAMCER ORDONEZ IMAM
CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang isang tauhan ng Philippine Air Force (PAF) makaraang pagbabariin siya ng sariling kabaro dakong 10:45 ng gabi nitong Biyernes pagkatapos nilang mag-inuman sa likuran ng kanilang headquarters sa Barangay Lumbia dito.
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si SSgt. Renante Felerca Blanco, 39. Samantala, ang salarin ay kinilala na si Airman 2nd class Reymart Jayme Noquera, 26. Parehong naka-assign sa Lumbia Airport ang dalawa.
Ayon sa imbestigasyon, binaril ni Noquera si Blanco gamit angkanyang M-16 assault rifle makaraang ito’y magkasagutan.
Naisugod pa sa 4th Infantry Division Hospital sa Patag ang biktima nguni’t binawian din ito ng buhay dakong alas-12 ng hatinggabi.
Na-recover sa crime scene ang labing-anim na basyo ng bala.
Si Noquera ay naka–detain sa ngayon sa 4th ID headquarters.