By Ruel J. Mendoza
No expectations ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado na siya ang mananalo bilang best actress sa Metro Manila Film Festival official entry na All Of You.
Two years na magkasunod kasing nanalo si Jen ng best actress sa MMFF para sa mga pelikulang English Only, Please (2014) at #WalangForever (2015).
Hinuhulaan ng marami na baka muling mapanalunan ni Jen ang best actress para sa All Of You.
“Lagi naman po akong no expectations pagdating sa ganyan.
“Binibigay ko naman parati ang best ko sa lahat ng ginagawa kong pelikula.
“Kung mabigyan tayo ng award, bonus na lang iyon para sa akin.
“Gusto namin na magustuhan ng marami ang movie namin dahil maganda ang pagkakadirek nito ni Direk Dan Villegas,” ngiti ni Jen.
Si Direk Dan ang nagdirek kay Jen sa English Only, Please at #WalangForever.
Second movie naman ni Jen ang All Of You with Derek Ramsay at daring na ang muling pagsasama nila sa big screen.
“Kung sa English Only, Please ay rom-com iyon at natuwa sila sa team-up namin, dito sa All Of You, mas dramahan ito, medyo mabigat pero totoong-totoo.
“Mas maganda ang rapport namin ngayon. Pero di ako ready sa sobrang daming love scenes namin, kahit nabasa ko naman ‘yung script before hand.
“Sobrang daring ang ginawa namin dito.
“But, in fairness to Derek, napakaingat niya sa very intimate scenes namin kaya wala kaming naging problema at all,” diin pa ni Jen.
Inamin ni Jen na kinabahan siya sa mga bed scenes nila ni Derek. Pero kasama raw sa character niya sa pelikula ang nailang sa mainit na mga eksena.
“Naging very careful si Derek sa mga maseselan na eksena namin. Sanay na kasi siya, eh ako hindi pa talaga.
“Derek is such a gentleman.
“Hindi siya mapagsamantalang tao kaya I felt safe with him sa movie namin,” pagtapos pa ni Jennylyn Mercado.