MASAYANG, malungkot ang Hashtag member na si Jon Lucas. Masaya siya dahil kasama sa 2017 Metro Manila Film Festival ang “Haunted Forest” na entry ng Regal Entertainment. First movie niya ito at kasama niya sina Maris Racal, Jane Oineza at co-Hashtag member na si Jameson Blake.
Malungkot si Jon, pati na si Jameson na hindi na mapapanood ng kaibigan at co-Hashtag member nilang si Franco Hernandez ang “Haunted Forest.” Nalunod at namatay ito kamakailan lang.
Ani Jon at Jameson sa presscon, naging malapit sa kanila si Franco noong nabubuhay pa ito. Madalas nila itong kabiruan kapag nasa dressing room sila ng “It’s Showtime.” Kung nabubuhay lang si Franco, sigurado silang masaya ito para sa kanila dahil may festival movie sila at tiyak panonoorin nito bilang suporta sa kanila.
Dagdag-lungkot kay Jon ang pagkamatay ng kanyang ina last September this year na aniya, hindi pa siya nakaka-move on.
Madalas pa rin niyang naaalala ito.
Affected din si Jon sa pagkamatay ni Isabel Granada na nakatrabaho niya sa “Got To Believe” na pinagbidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo kung saan gumanap ito bilang nanay niya.
In any case, wish ni Jon at ng co-stars niya sa “Haunted Forest” na mapasama ito sa Top 3 sa box-office sa MMFF entries.
Threat?
Next in line na nga ba si Ruru Madrid na ipu-push ng GMA to big stardom? Title role na si Ruru sa upcoming teleserye niya, “Sherlock, Jr.”
Dapat sana’y kay Alden Richards ang naturang project. Sa kung anong kadahilanan ay ibinigay ‘yun kay Ruru. May intriga tuloy na threat daw si Ruru kay Alden. May mga nagsasabing si Ruru na ang next important star ng GMA. Why not?
Bukod sa artistahin, magaling umarte ang talent na ito ng Production 56 Inc. na pinamumunuan ni direk Maryo J. delos Reyes. Ani direk, talagang hinuhubog nila sa pag-arte ang kanilang talents. Pinag-a-acting workshops ang mga ito.
Kasama si Ruru sa “Meant to Beh,” entry sa MMFF na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Dawn Zulueta.
Christmas Party
Masaya at sangkatutak ang raffle prizes (in kind and in cash) sa Christmas Party for the Press ng Star Magic. May mga give-aways pa ang ibang Star Magic talents. ‘Yung iba’y nagpadala naman ng cash para sa raffle prize.
‘Kaaliw ang iba’t ibang games na sinalihan ng press. Naghandog ng awitin si Erik Santos. Bumati naman si Ryle Santiago at ibang Star Magic talents.