By RUEL J. MENDOZA
HINDING-hindi raw puwedeng mabuwag ang GabRu loveteam nila Gabbi Garcia at Ruru Madrid dahil marami pa raw ang pagsasamahan nilang mga proyekto.
Hindi man sila magkasama ngayon sa isang teleserye dahil tinambal si Ruru kay Janine Gutierrez, kasama naman sila sa 2017 Metro Manila Film Festival official entry na “Meant To Beh.”
Para kay Ruru, forever loveteam daw niya si Gabbi at sanay na raw siyang katrabaho ito dahil iba na raw ang bonding nila.
“Working with Gabbi, parang sobrang dali na eh, kasi sobrang kilala na namin ang isa’t isa.
“Alam namin kung nahihirapan ba ‘yung isa’t isa.
“So alam na namin kung paano gamutin ‘yun.
“Alam na namin kung paano pakiligin ‘yung mga tao,” ngiti pa ni Ruru.
Huling nagsama ang dalawa sa telefantasya na “Encantadia.” Una silang pinagtambal ng GMA-7 sa teleserye na “Let The Love Begin.”
Para naman kay Gabbi, isa sa madaling pakisamahan at katrabaho si Ruru. Kung ito raw ang kasama niya sa trabaho, wala raw siyang magiging problema.
“It’s always comfortable working naman with Ruru.
“Napakadaling katrabaho and a very talented actor kaya he makes everything easier for us.
“Ever since na nagkasama na kami as a loveteam, naging kumportable na kami sa isa’t isa.
“Kaya walang dapat na malungkot na he’s being paired with Janine sa isang teleserye. Mapapanood pa rin naman nila kami sa ‘Sunday PinaSaya’ at sa iba pang projects sa GMA-7.
“As long as there’s no formal announcement na maghihiwalay ang love team namin, tuloy lang po kami.
“It just so happened na things abruptly changed in the process, in the show.
“Pero every week naman we work together and in other endorsements, magkasama kami, so we didn’t really feel na pinaghiwalay kami,” pagtapos pa ni Gabbi Garcia.