OPEN na raw si Gabby Concepcion gumawa ng pelikula with his ex-wife Sharon Cuneta. Aware siyang kumita sa takilya ang “Unexpectedly Yours” nina Sharon at Robin Padilla.
Kung hindi kaya ito kumita, willing pa rin kaya si Gabby makatrabaho muli si Sharon? Just asking.
Ang palusot noon ni Gabby, may ginagawa siyang teleserye sa GMA at doon ang focus niya. Matatapos na ito, kaya pwede na raw siyang gumawa ng pelikula.
Itinanggi ni Gabby na nag-demand siya ng mataas na talent fee, kaya naudlot ang reunion movie nila ni Sharon. Aniya, wala namang ipinadalang script sa kanya, kaya hindi natuloy ang pelikula.
Ang tanong, kung may time na si Gabby gumawa ng pelikula with Sharon, willing pa rin kaya ang megastar? Sana naman para mapagbigyan na nila ang kanilang fans na matagal nang humihiling na magkasama silang muli sa pelikula.
Rarampa
Si Klea Pineda, Kapuso star at GMA Artist Center talent ang representative ng Pilipinas sa Asian Supermodel contest na gaganapin sa Saipan, USA.
Excited na si Klea sa kanyang pag-rampa at thankful siya sa suporta ng Kapuso Network at sa kanyang management. Nag-effort ang mga ito na makilala niya nang husto si Ariella Arida, Bb. Pilipinas-Universe 2013 para mabigyan siya nito ng tips sa gagawing competition.
Napanood si Klea sa “Encantadia” kung saan gumanap siya bilang isang lambana. Dream niyang maging beauty queen at gusto niyang mag-training bilang paghahanda sa pagsali niya sa beauty contest.
Bongga
All-out talaga ang budget ni Coco Martin para sa “Ang Panday,” first directorial job niya at entry sa Metro Manila Film Festival. Siya ang solong producer at talagang ginastusan niya ang movie na siya rin ang bida.
More than 100 stars ang kasama sa cast, bongga ang production design, costumes at special effects. Kamangha-mangha rin ang locations ng movie.
Para sa fight scenes, kumuha pa si Coco ng Chinese fight director at galing pa sa China ang kinuha niyang doubles.
“Para maiba naman,” aniya sa isang interbyu.
Hindi isyu kay Coco ang budget ng “Ang Panday” na aniya, gusto niyang masulit ang ibabayad ng mga manonood. Gusto niyang mabigyan ng todong kasiyahan at aliw na walang pagsisisi at panghihinayang sa kanilang pera pag labas nila ng sinehan.