By LEILA CHICADORA
IN full attendance ang press at media sa ikinasang press conference ng MMFF entry na “Deadma Walking” recently!
Pasabog ng dalawang bida na sina Joross Gamboa at EA Guzman, challenge accepted! ….mag-gagown daw sila sa MMFF Parade at sa opening number ng MMFF!
Say ni EA na gumanap bilang Mark, kahit na lapot-lapot na sila ni Joross ay paninindigan nila ang pagsusuot ng mujer dahil ‘yun ang nararapat! Kailangan daw maging maganda!
Isa pang challenge para sa dalawang bida… ang maikubli ang kanilang private parts sa ilang eksena ng pelikula!
Kuwento ni EA, inabot sila ng madaling araw sa pag-shoot para sa mga production numbers. Mula alas 9 ng umaga hanggang alas dos nang madaling araw ay nakaipit daw ang kanilang private parts.
Bagamat masakit, kaya naman daw tiisin pero literal na tiis-ganda ang ginawa ng dalawa sa ikagaganda pa lalo ng pelikula.
Hirap na magpunta ng CR ang dalawa dahil ay in kay EA madaming patong at suporta ang nakapalibot sa kanilang maselang bahag-hari! Kung may ima-master nga daw sa mga beki roles say ni Joross ay isa ito sa kanyang kailangan pang pag-aralan!
Madaming magagandang reviews ang natanggap ng trailer ng palanca awardee for literature na umabot na sa five million views kaya naman malakas ang ugong na maaring isa sa kanila ang maging best actor ngayong taon sa MMFF! Say ni Joross bonus na lang ‘yun kapag isa sa kanila ang nanalo. At kung papalarin, sana daw isa sa kanila ang best actor at ‘yung isa naman… best actress!
Pagkatapos naman ng MMFF, plano naman ng production outfit ng “Deadma Walking” na isali ito sa mga international film festivals!
Ang “Deadma Walking” ay hindi just just na beki movie, moreover, ang pelikula tungkol sa pagkakaibigan, in life, death and beyond. Rarampa na ang “Deadma Walking” sa mga sinehan sa Dec. 25!