Labing walong road sections ang isinara ng mga engineering districts sa Rehiyon V at Rehiyon VIII bunga ng baha, landslide, nagbagsakang bato, roadslip at pagkasira ng spillway dahil sa pagdaan ng Bagyong Urduja.
Sa Masbate, ang mga road section na sarado dahil sa baha ay nasa Masbate Cataingan-Placer Road Cagba section at sa Jct. Tawad-Balud Road.
Sa Eastern Samar, sarado rin dahil binaha ang ilang bahagi ng Wright-Taft-Borongan Road (Eastern Samar).
Sa Samar province, baha rin ang dahilan kaya sarado ang ilang bahagi ng Calbayog-Catarman Road; Daang Maharlika (sa dako ng Silagan Bridge, Brgy. Tulay, Sta. Rita at dakong Brgy. Inobonga, San Sebastian).
Sa Northern Samar, ang mga lansangan na may saradong road sections dahil pa rin sa baha ay ang Catarman-Lope De Vega Road; Bonbon-Trujillo Road, Catarman-Calbayog Road (dakong Brgy. Washington at Brgy. Gilalan-Agan); Catarman-Loang Road (dako ng Brgy. Bagasbas, Mondragon at Sitio Palanas, Brgy. Cablangan).
Sa Leyte, binaha rin ang ilang bahagi ng Mainit- San Miguel- Santol Road, Santol- Carayray Section – Taghawili Bridge Approach; Bagahupi- Babatngon- Sta. Cruz- Barugo- Carigara Road, Lapaz-Javier-Bito Road, Libungan – Matag-ob-Palompon Road, Kananga-Tungonan Hot Spring Road, Palompon- Isabel- Merida -Ormoc Road. (PIA)