By LEILA CHICADORA
Christmas gift ni Janine Gutierrez kay mother nature ang magfund raising sa Lucky Chinatown Mall sa Binondo the other day.
Ang kanyang advocacy, manghikayat ng mga shoppers na magbigay ng kahit na anong halaga para sa tamang pagtapon ng basura! Ito kasi ang isa sa kanyang mga advocacy bago pa man siya naging youth ambassador for proper trash disposal and waste management ng NGO na World Wide Fund!
Speaking of Pasko, hindi naman kabilang si Janine sa SMP o samahan ng malalamig ang Pasko dahil tumitibok tibok at namumula ang Pasko niya this year! Ito ay dahil sa kanyang manliligaw na si Rayver Cruz. Kuwento ni Janine, naging susi ang kanyang mudrang si Lotlot de Leon sa pagiging close nila ni Rayver! Noon pa daw close si Lotlot at Rayver dahil sa ilang projects, kaya naman nang nagkita silang muli ni Janine at naging close naman ito sa anak ni Lotlot! But wait…. hindi lang si Lotlot ang kinlose ni Rayver! Pati ang buong pamilya, close na din daw sa kapamilya actor at… boto sa kanya! Pero say ni Janine, sangayon… “happy pero relax lang” ang status ng kanilang relasyon. Hindi kasi kerri ni Janine na pagsabayin ang lovelife at trabaho ngayon dahil sa magkaiba nilang schedule! Habang bata pa daw sila at kumikita, mas maigi na magfocus muna sa trabaho!
Ganun pa man, hindi naman daw niya sinasara ang pintuan sa manliligaw! Bet daw magbakasyon ng dalaga ngayong Christmas break at iniisip pa daw niya kung isasama si Rayver!