Apat na kalalakihan ang binaril ng mga nakamotorsiklong gunmen habang naglalaro ng cara y cruz sa Tondo, Manila, kahapon ng madaling araw.
Nasa kritikal na kondisyon ang sidecar driver na si Reggie Galace sa Mary Johnston Hospital habang isinugod naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center sina Ariane Isidro, Virgilio dela Peña, at Emiquel Borromeo dahil sa tinamong bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Base sa report ng Manila Police District (MPD), naglalaro ang mga biktima ng cara y cruz sa Gerona Srreet, Tondo, dakong 12:14 a.m. nang biglang dumating ang dalawang lalaking magka-angkas sa motorsiklo at pinaulanan sila ng bala.
Ayon kay Barangay Kagawad Rico Secretario, agad na isinugod sa mga ospital ang tatlong biktima na natagpuang duguang nakahandusay sa kalye. (Jaimie Rose Aberia)