by Rowena Agilada
Good job ang masasabi namin kay Coco Martin sa kanyang first directorial job sa “Ang Panday,” entry sa Metro Manila Film Festival. Napanood namin ang special screening nito at halatang kinarir talaga ni Coco ang bawat eksena na wala ka nang hahanapin pa sa pelikula.
Very entertaining, ang sarap panoorin , hindi nakakainip, kapana-panabik ang bawat eksena. Na-achieve ni Coco ang gusto niyang Pamaskong handog sa moviegoers. Panalo!
May drama, action, comedy, fantasy, musical at may family values. Ang ganda ng special effects. Millennial ang dating ng “Ang Panday” at nag-level up na ang costume ni Flavio na original na ginampanan ng yumaong Action King na si Fernando Poe, Jr. Naka-jacket na si Coco at naka-motorcycle pa siya.
Pinaka-highlight ng movie ‘yung fight scene nina Coco at Jake Cuenca na gumanap bilang Lizardo. Ang ganda ng camera shots. It is a MUST na panoorin n’yo ang “Ang Panday” sa MMFF. Masusulit ang ibabayad n’yo at hindi masasayang ang oras n’yo. Gugustuhin n’yong ulit-ulitin pa ang panonood.
After ng special screening ng “Ang Panday,” nagpa-presscon cum Christmas Party for the Press si Coco. Bongga ang cash prizes na ipina-raffle niya bukod pa sa give aways. Siya pa lang ang artistang nag-effort magpa-Christmas Party for the Press this year.
Christmas Party
Pagkatapos ng Christmas Party ni Coco Martin for the Press, sumunod naman ang Christmas Party ng ABS-CBN. Effort kung effort ang Kapamilya Network para mabigyan ng aliw at kasiyahan ang press. Naghandog ng awitin ang ilang Kapamilya stars. May games na sinalihan ang press. Nagpa-raffle ng cash prizes, bukod sa may give-aways pa.
Sanay
Hindi nag-e-expect si direk Paul Soriano na magiging box-office hit ang “Siargao,” entry sa MMFF. Aniya, hindi ‘yun ang habol niya. Sanay siya na kaunti lang ang nanonood ng mga pelikula niya. Nasanay na siya na 20 or 30 katao lamang ang nasa loob ng sinehan.
Tampok sa ”Siargao” sina Jericho Rosales, Erich Gonzales at Jasmine Curtis-Smith. Ani direk Paul, mas gusto niyang ipakita sa pelikula ang kagandahan ng mga lugar na pinagsyutingan nila sa Siargao. Tourist attraction na nga ito at marami na ang nakapunta at gustong magpunta doon.
Ipinakita rin sa pelikula ang kaseksihan ni Erich na aniya, kung hindi niya ginawang magpaka-daring, kailan pa? She’s not getting any younger.