By LAILA CHIKADORA
Ibang Vic Sotto ang mapapanood sa Metro Manila Film Fest entry na “Meant to beh!” say ni Vic, mas mahalagang kumita ang mga pelikulang kalahok sa MMFF kesa sa pagkakarooon ng best actor award! Say ni bossing…
“Hindi ko na iniisip ’yun e, ang tagal ko na sa festival e, ang iniisip ko na lang madami ang manood ng festival! I just want everybody to be happy to be merry this Christmas!
Dahil family oriented ang pelikula, tinanong na din natin si Bossing kung kamusta naman siya bilang tatay. Halata kasi kay Bossing na puyat siya sa pagharap niya sa media sa presscon. Say niya.. hands on silang dalawang asawang si Pauleen sa pagaalaga ng kanilang baby! Hindi rin daw nagrereklamo si Pauleen sa pag-aalaga ng bata kaya alam niyang magiging mabuting ina ito. Say pa ni Bossing, kasama nila sa kuwarto matulog ang baby, hindi naman daw ito iyakin pero meron daw itong isang nakakatuwang katangian! ….. parang ako lang daw! Say ni Vic “tuwing gigising siya para kumain o palit ng lampin nagigising din ako eh hindi naman siya iyakin, pero maingay siya eh! Parang chikadora eh. Hindi ko lang alam kung kanino nagmana pero chikadora madaming sound effects!”
Bago naman ikinasal pinayuhan din daw niya si Ai-Ai delas Alas! Kuwento sa amin ni Bossing, “Isa lang ang nasabi ko sa kanya, sabi ko Ai, kahit ano mangyari last nayan ha? Sabi naman niya “ok” and personally, I think last na niya ’yun dahil Kilala ko naman ’yung ’guy, mabait!